^

Pang Movies

Robin, binanggit na ang bibliya sa ‘I’m in heat’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Robin, binanggit na ang bibliya sa ‘I’m in heat’
Mariel Padilla at Sen.Robin Padilla.
STAR/ File

Damay na sa pang-ookray ng netizens si Mariel Padilla sa asawa nitong si Sen. Robin Padilla kasunod ng kanilang mga pahayag sa nag-viral na Senate discussion sa marital rape / sexual rights, na para sa marami ay insensitive.

Ito ay pagkatapos ng Facebook post si Mariel ng isang kissing photo nila ng kanyang asawa na naghahalikan, na may caption na, “Oh may consent ‘yan ah [kiss emojis].”

Nauna nang nagpaliwanag si Sen. Padilla tungkol sa nasabing viral discussion sa senado last Friday na : “Wala akong sinabi na ok na pilitin ang asawang babae sa pagtatalik. San po ba don sa pagdinig?

“Pangalawa : Ang sabi ko Paano kaming mga lalaki na naniniwala sa sexual rights kapag kami ay in heat. Not drunk

“Not violent. Not under influence of any drugs or liquor

“Plain love and lust.

“Pangatlo. Bakit po namin nasabi na sexual rights. Ito po yun. Lumaki po ako sa biblia. Malinaw po don na ang babae ang nagpapasakop sa lalaki

“Paul’s teaching on sex within marriage is extraordinary. He says that husband and wife should give one another their conjugal rights (1 Cor. 7:3). Each has a right to enjoy sex and each has an obligation to help the other enjoy sex as well. Both spouses should receive joy and pleasure in a healthy sexual relationship. Husbands and wives should view the marriage bed in such a way that each spouse both gives and receives in the sexual union,” pangangatwiran pa ng mister ni Mariel sa kanyang post.

“Sa isang muslim. In Islam, the husband should have intercourse with his wife according to what satisfies her, so long as that does not harm him physically or keep him from earning a living,” dagdag pa niyang paliwanag.

“Kayo po ay mambabatas din at palagay ko naman batid niyo ang ibig sabihin ng pagdinig / hearing. Makikinig sa mga resource speaker

“Paano ako Makikinig kung hindi ako magtatanong

“Paano sila magsasalita o magiging speaker kung ako ang magpapaliwanag

“Bakit pa ako Kumuha ng resource speaker at nagtatanong po ako bilang ang guest ko ay lawyer hindi pastor o imam

“Siya ang makakasagot sa tanong ko kung Ano ang sinasabi ng batas ng tao sa marital obligation.”

Pinagdiinan niya rin na “Hindi nga rape ang punto ko. Ang punto ay kung Ano ang puedeng gawin ng asawang lalaki para maging legal ang paghingi ng sex ng isang lalaki at hindi maging rape. Wala akong sinabi na ok ang pilitin ang babae

“Hindi lahat ng Tao ay maka estado . Very religious ang mga Pilipino Iba po kasi ang katuruan ng religion at state, Para po maging maliwanag sa taong bayan na ang family code ng 1988 ay hindi na ay sumasangayon sa sinasabi ng biblia. Icheck po ninyo ang binago ng 1988 family code,” bahagi pa ng mahabang depensa ng aktor na magiging busy sa shooting ng bioflick ni former senator Gringo Honasan.

Sa huli ay nagpasalamat siya: “Maraming salamat na rin po sa pagsuporta sa pagpapalaki ng isyu. Kailangan lamang po ninyo linawin ang posisyon niyo. Wag po kayong mag alala. Ako po ay may resolution din na in aid of legislation Ang mga sexual harassment, abuse at rape ng New Peoples Army na ang biktima ay Gabriela,” bahagi ng mahabang post ng aktor / pulitiko.

Dahil din dito at naungkat ang inamin ni Mariel noong 2021 na hindi pa rin sila natutulog sa isang kwarto ng mister na hindi pa senador noon.

Independent producer, nag-overnight sa selda

Natulog pala sa kulungan ng isang gabi ang independent film producer na visible din naman.

Nagpiyansa lang daw ito ng more than P100,000 kaya nakalabas ng kulungan.

Kasong estafa ang kinakaharap ng nasabing independent producer.

Medyo showbiz din ang mag-asawang nagdemanda sa nasabing independent producer.

Maraming pera raw ang nakuha sa mag-asawa ng nasabing nakulong na independent producer.

Sikat ang abogado ng nakulong na independent producer pero hindi pa ito nagsasalita tungkol sa pagkakulong ng kanyang kliyente.

MARIEL PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with