^

Pang Movies

Rufa Mae, ipaparanas ang kanyang ginagawa sa mister

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rufa Mae, ipaparanas ang kanyang ginagawa sa mister

Mula nang ikasal ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa mister niyang si Trevor Magallanes noong 2016 ay sa Amerika na sila tumira at paminsan-minsang umuuwi na lang sa Pilipinas.

Gusto raw niyang iparanas sa daughter nilang si Athena at sa mister niya ang tumira sa bansa.

Nagbalik na nga siya sa Pilipinas para sa mga proyekto niya at inamin din niya sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda na napagod na siyang magpabalik-balik sa Amerika at sa Pilipinas.

Kaya gusto raw niya muna ritong tumira pansamantala.

Ilang taon din daw kasi siya roon at parang pagod na siyang bumiyahe kaya gusto niya munang subukan nila rito lalo na at may mga ari-arian pa naman siya rito sa bansa, na wala naman ibang magmamana kundi ang anak niya.

Wala raw alam ang anak nila sa kanyang buhay rito at sa pagiging artista niya sa bansa dahil hindi naman siya celebrity sa abroad.

Naging simple raw kasi ang anak at mas maganda raw na ngayon na lang nito nalalaman nang unti-unti.

Pupunta naman daw ang mister niya rito sa November pero wala pa raw silang plano kung pangmatagalan na ang pag-stay nito rito.

Gusto kasi ng komedyante na isa-isahin muna ang pag-aayos sa mga kailangan nila.

Aminado naman siya na dahil nga hindi sila magkasama ng asawa ngayon ay natatakot siya lalo na’t gwapo ito pero dinaraan na lamang daw niya ito sa dasal at mas pinipiling ‘wag nang mag-alala pa. Bongga.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with