^

Pang Movies

Claudine, ‘tinuklaw’ ng ahas!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Claudine, �tinuklaw� ng ahas!
Claudine

Clueless ang marami sa latest cryptic post ni Claudine Barretto tungkol sa isang tao na labis na nanakit sa kanya at sa kanyang mga anak. Tinawag niya itong ahas na aniya ay tinuklaw raw siya.

Isang art card na may imahe ng isang ahas ang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account na nagsasaad ng “people who stay friends with your abusers aren’t your friends. Knowing what the abuser did to you and yet choosing to maintain a bond with them is a clear sign of lack of loyalty.”

Sa caption ay mahaba ang litanya ni Claudine.

“Sabi nila a Snake sheds their skin only to become a bigger snake. kaya ayoko ma mag peeling dahil ayoko maging ahas.masakit pala matuklaw,” simula ng aktres.

Pagkatapos nito ay pinangaralan niya ang taong umahas sa kanya.

“Kung talagang mahal mo mga anak ko at mga claudinians d mo dapat ginagawa yang ginagawa mo.d na uso amg plastic ngayon.ang akin lang pag mga anak ko pati mga claudinians d mo nirespeto malaki problema mo.kaya tayong lahat maging POSITIVE AT BAWAL ANG NEGA.nakaka pangit yan,” sey niya.

“Basta ako mahal ko ang mga anak ko at mga Claudinians.mag mula ng d mo pinahalagahan mga bata at claudinians sorry we don’t deserve you.Godbless you pa rin.

“Sana masaya ka at sana wag ka na rin mang damay ng mga iba ko pang Kaibigan sa journey mo na saktan ako.kasi last day na ng libing ng friendship/BFF na to.kahit saang angle mo pa tignan mali yung wala kang paki alam sa mga fans ko at mga anak ko.so good riddance,” mensahe pa niya sa taong nanloko sa kanya.

Mukhang malalim at matindi ang ginawa ng taong ito kay Claudine na bukod sa idinamay ang mga anak niya at fans ay idinawit din ang kanyang kaibigan na hindi niya tinukoy kung sino.

“3 things to remember lang 1)wag mo masabi sabi mahal mo mga anak ko dahil kinawawa nyan mga bata 2)D ka nana awa sa mga Claudinians na niloko.mga Claudinians na napasok lang dito dahil sa kagustuhan makasama ako.3) wag mo nang isali yung KAIBIGAN KO para tulungan kaibigan mo.ikaw na may sabi kaya mo lang pinakikisamahan sya dahil lang KAIBIGAN KO SYA DIBA? kasi toxic at obsessed sya sakin,pero kailangan mo tulungan yung taong nanloko sa mga Claudinians so pati kami nag kaka tampuhan when paunti unti na kami ok sinali mo pa talaga.d pa rin sapat na nasira tayo ng taong to noh.well done,” pagtataray ng aktres.

Sa comment section ay nagpahayag naman ng suporta sa kanya ang kanyang Claudinians though hindi rin nila gaanong alam ang detalye ng nangyari.

“Kung ano man po ipinaglalaban mo Idol @claubarretto were here for you, palagi kaming nandito pra sayo . Hoping and praying for your peacefulness and Happiness...mahal na mahal ka namin,” sey ng isan fan.

“Totally agree, ate @claubarretto! It’s sad how some people stay friends with those who hurt us. Loyalty and respect should always be a priority. Keep being strong and true to your values. The real ones will always support you. We love you ate @claubarretto,” sabi naman ng isa pa.

“Sino ang umaaway sa mela namin HAHAHA,” tanong naman ng isa.

Heart at Papa P, wish ng CEO

Ang bongga ng birthday celebration ng owner and CEO ng SCD Skin Care na si Miss Grace M. Angeles na ginanap last Monday sa Sundowners Beach Resort in Botolan, Zambales.

Kasabay ng kanyang kaarawan ay ini-launch din ni Miss Grace ang bagong produkto ng SCD Retinol serum.

Ayon sa entrepreneur ay 2 years in the making daw ang Retinol serum at talagang pinag-aralan muna nilang mabuti bago ito ilabas sa market.

Masaya si Miss Gracee na kahit 8 years pa lang ang SCD ay kilala na ito sa bansa dahil na rin sa marami na ang bumibili ng kanilang produkto.

“Pinaka-naging best seller po namin ay ang SCD Peeling Skin Lotion. Siya po talaga ang nagpakilala sa SCD,” aniya.

Taong 2022 nang kunin niya si Lovi Poe bilang first celebrity ambassador ng SCD and since then ay mas lalo pa raw nakilala ang kanilang mga produkto.

Given the chance ay dream din daw niyang kuning endorsers din sina Heart Evangelista at Piolo Pascual.

Bagama’t sinasabi ngang boom na boom ngayon ang skincare industry at marami ang nagiging milyonaryo sa negosyong ito, ayon kay Miss Gracee ay nagsimula raw siya talaga sa zero.

“For three years or more, as in lagapak. Hindi ako nag-start na biglang boom. Talagang dinaanan ko muna lahat kung ano ‘yung madadaanan ng isang business owner.

“Pero maganda po kasi ‘yun kasi I know how to reach people, I know how to secure their investment, I know what they need,” aniya.

Ngayon ay medyo okay na raw ang kumpanya at natutuwa siya na marami ring natutulungang disributors ang SCD.

“Mas nagiging mayaman ‘yung distributors kaysa sa akin. ‘Yun ang kagandahan po nu’n,” aniya.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with