^

Pang Movies

Cher, namumulot ng award sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Cher, namumulot ng award sa Amerika
Cher Calvin

Former Sampaguita matinee idol Roger Calvin must be a proud father sa kanyang kaisa-isang anak na si Cher Calvin sa kanyang namayapang misis na si Dra. Delia Santos-Calvin.

Si Cher ay para na lamang namumulot ng award mula sa Emmy Awards in Amerika bilang news presentor and anchor ng KTLA 5 News in Los Angeles, California, USA na kanyang kinabibilangan since January 2005.

Magmula nang maging bahagi si Cher ng KTLA ay nakaka-11 Emmy Awards na siya na ang pinakabago ay nung nakaraang Sabado, July 27, 2024.  Ito’y bukod pa sa limang Golden Mike Awards na kanyang natanggap.  Ang nasabing parangal ay magsisilbing advance birthday gift kay Cher who will be turning `golden girl’ sa darating na August 1.

Cher is married to a Japanese-American businessman na si Aki Oshima na nakilala niya nung 2016.  Got engaged nung December 19, 2019 at sila’y ikinasal in Beverly Hills Hotel in L.A. nung August 8, 2021.

Isa si Cher na mga pride ng mga Filipino sa Amerika na hindi gaanong nabibigyan ng halaga sa Pilipinas.

Samantala, ang kanyang amang si Roger ay pabalik-balik na lamang ng New York, L.A. at Pilipinas.  Half of the year ay nasa New York at L.A. siya at kalahati naman ng taon ay nasa Pilipinas siya where he maintains a condo in Mandaluyong and a farm in Floridablanca, Pampanga.  Meron din siyang apartment in New York and a condo unit in L.A. at ini-enjoy na lamang niya ang kanyang buhay sa pamamasyal sa iba’t ibang lugar at bansa na siya rin niyang ginagawa nung buhay pa ang kanyang misis na si Dra. Delia Santos-Calvin.

Alexa, lumaban

Pumanaw na ang 38-year-old wife na si Alexa (Alexandra Joelle Uichico-Gutierrez), wife ni Elvis Gutierrez, ang nakababatang kapatid ni Ruffa Gutierrez nung nakaraang Sabado, July 27, na may kinalaman sa kanyang sakit na leukemia. She was 38.

Naiwan ni Alexa ang kanyang mister na si Elvis at dalawang maliliit pang anak na sina Aira at Ezra.

Hanggang sa huli ay pinilit ni Alexa na labanan ang kanyang sakit.  She was diagnosed of lymphoblastic leukemia nung January this year at magmula noon ay labas-masok na rin siya ng pagamutan for her treatment.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiraman kay Elvis Gutierrez maging sa kanyang pamilya.

CHER CALVIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with