^

Pang Movies

Hollywood actress, tuloy ang pagdi-deny sa dugong Pinoy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Aywan kung bakit nga ba ginagawa pang malaking issue kung ayaw aminin ng modelo at aktres na si Shay Mitchell na siya ay may dugong Pilipino. Nag-deny siya na ang ermat niya ay isang Pilipino mula sa Pampanga at sinasabi niyang Kastila ang nanay niya.

Pero hindi naman dapat pagtalunan, Pinay man ang nanay niya, ipinanganak naman siya sa US at doon ang sinusunod na prinsipyo sa citizenship ay “Jus soli.” Ipinanganak ka sa teritoryo ng US, kahit na ano pa ang mga magulang mo, American citizen ka na.

Hindi gaya sa atin na nang ipinatutupad na prinsipyo ay “jus sanguinis” saan ka man ipinanganak kung ang mga magulang mo ay Pilipino, Pilipino ka talaga. Sa kaso ni Shay ayaw niyang aminin na Pinay ang nanay niya.

Ang dancer at TV personality na si Regine Tolentino ay naglabas pa ng pictures ni Shay kasama siya noong mga bata pa sila. At sinabing Pinay ang nanay ni Shay at magpinsan silang dalawa. Pero kung ayaw ba ni Shay na masabing siya ay may dugong Pilipino karapatan niya iyon. Hindi naman iyon kawalan sa Pilipinas.

Aga, kabado kina Atasha at Andres!

Aminado si Aga Muhlach na kinakabahan siya sa pagpasok ng kanyang kambal na sina Andres at Atasha sa show business. Kung sabihin, pinakapogi sa mga baguhan si Andres at ang inaasahan ay ang bigla niyang pagsikat kagaya rin ni Aga noong panahon ng Bagets. Napakaganda rin naman at lumalakas na ang following ni Atasha lalo na nga’t kasama siya sa Eat Bulaga.

Pero talagang nakakakaba.

Paano kung ang mga anak niya ay hindi umabot agad sa popularidad na inaasahan?

Nasa isang TV show lang si Andres na nag-uumpisa pa lang.

Sa TV rin unang nakilala si Atasha, independent producer pa ang TVJ. Ibig sabihin wala silang network contract na ipu-push sila nang husto.

Pero tiyak na sisikat silang dalawa hindi nga lang siguro kasing bilis ng iba.

JoshLia, may hamon ang balikan

Mukhang mali na pinagsama ulit sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Noon matunog sila bilang isang love team kaya nga ang bilis ng akyat ng kanilang popularidad.

Pero iba na ang panahon ngayon.

Pareho nang lantaran ang kani-kanilang relasyon sa iba.

Abangan natin kung lalabas at manonood ng kanilang pelikula ang kanilang fans noon.

Bagama’t basehan din kung gaano kaganda ang kanilang pelikula.

Aktres na patola, laglag sa pakikisama

Talagang inilaglag daw ng members ng isang award-giving body ang isang aktres kahit na ang gusto sana ng mga lider nila ay kasama siya sa isang four way tie sa best actress, ang katuwiran ng mga member walang ka-PR PR ang aktres sa kanila. Bukod pa roon ang ginagawang pagpatol ng aktres sa kahit na maliit na issue gamit ang kanyang vlog.

Kawawa ang aktres dahil wala na sa kanya ang dating mga tagasuporta niya na nagtatanggol “kasi nagsawa na rin sila sa kaplastikan niya.”

At saka hindi na rin daw nakakaalala ang aktres.

Kung ganyan nga ang image ng aktres, hindi siya mananalo. Lalo na ngayong ilang taon na siyang walang kumikitang pelikula.

vuukle comment

SHAY MITCHELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with