^

Pang Movies

Cedrick, ‘di apektado sa intrigang bading!

Gorgy Rula - Pang-masa
Cedrick, ‘di apektado sa intrigang bading!
Cedrick Juan

MANILA, Philippines — Nagulat kami sa nakaraang presscon ng Cinemalaya 20 na ginanap sa Metropolitan Theater noong nakaraang Miyerkules, July 10, nandun ang anak ni Roselle Monteverde na si Keith Ryan Monteverde.

Papasukin na rin ni Keith ang film production at hindi namin alam kung tatalikuran na ba niya ang pagiging licensed lawyer niya sa Amerika.

Si Keith ay nag-graduate ng Cum Laude sa Boston University, with Masters of Law from UC Hastings. Pero tini-train na rin nga siguro siya ng Mommy niyang si Roselle sa movie production, para ipagpatuloy ang Regal Entertainment.

Involved si Keith sa isang entry sa Cinemalaya na Gulay Lang, Manong na sinulat ni BC Amparado.

Tampok sa pelikulang ito sina Cedrick Juan, Perry Dizon, BJ Tolits Forbes, Ranzel, Dong Abay at Kui Manansala.

Sa nakaraang presscon nito ay sinabi ni Cedrick na medyo nakaka-adjust na siya sa mainstream, dahil mas kumportable naman talaga siyang gumawa ng indie film kagaya nitong napapanood sa Cinemalaya.

“Siguro masasabi ko na mas ano lang siya, mas diverse and at the same time, mas malaki ‘yung spaces na nakapag-create kami as an artist.

“Siguro in this point of my life, parang medyo mas andun ‘yung comfortable ako. Pero slowly, siyempre we always adapt. Medyo nakaka-adapt na rin sa mainstream, pero sana dumating sa point na wala na tayong independent and mainstream. Kasi it should be one Philippine film or cinema industry,” saad nito.

Doon pa rin sa presscon ay maayos na sinagot ni Cedrick ang intrigang natsitsismis siyang bading, kahit alam naman ng lahat na meron siyang long-time girlfriend.

Saad ni Cedrick sa intrigang ‘yun, “Una sa lahat, hindi siya dapat parang tsismis o negative.

“If ever na parang ‘yung ibinabato nila sa akin ngayon na naniniwala sila, I don’t mind.

“Kumbaga, parang sa akin kasi, parang kailangan nating mabawasan ‘yung pananaw when it comes to LGBTQIA+. Na ‘pag once na binato ka ng mga isyu na ganun, parang negative notion, para siyang negative commentary.

“Kasi ang daming member ng community na alam natin kung gaano ‘yung mga mark nila sa mga different industries na kinabibilangan nila. So ‘yung respect nila, dapat equally ‘yun binibigay. So, hindi ‘yun sa akin at all.”

Hindi naman daw isyu ‘yun sa kanyang non-showbiz girlfriend. Baka matuwa pa nga raw ‘yun.

“Alam mo masaya pa ‘yun! Kasi parang ‘yung gender naman is fluid e. So, parang hindi naman siya dapat isyu.

“’Yun lang sa akin ha? Hindi siya dapat isyu at all! And sana dumating tayo sa time na hindi na siya nagiging issue at all. Na if ever nga ang isang member ng LGBTQ na sinabihan mo na ‘uy balita namin straight ka!’ What would people say?” sabi pa ni Cedrick Juan.

Kasali pala si Cedrick sa bagong series ng TV5 na Ang Himala ni Nino.

CEDRICK JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with