^

Pang Movies

Cristine, babad na sa bahay nila Marco

Salve V. Asis - Pang-masa
Cristine, babad na sa bahay nila Marco

MANILA, Philippines — Handa na sa showbiz ang Creamline Cool Smasher opposite hitter and Binibining Pilipinas Globe 2018 title holder Michele Gumabao.

Ten years after na maging housemate ng Pinoy Big Brother.

Ang kanyang experience sa beauty pageantry and sports ang masasabing greatest exposure ni Michele sa pagpasok sa showbiz industy

Bukod sa face value, nauna na rin niyang nai-display ang kanyang intelligence and knowledge about sports sa ABS-CBN Sports+Action’s bilang Game Analyst sa NCAA’s volleyball tournament in 2016 bago ito napanood sa GMA.

Sports talaga ang kanyang mundo. Du­ring her college years, sumikat siya bilang volleyball player – De La Salle University’s Lady Spikers and won 3-consecutive times in the NCAA.

Pinarangalan din siya bilang Best Blocker ng league ng dalawang beses at tinanghal na NCAA volleyball’s Most Valuable Player in her last season.

 On top of that, after she graduated, she got to play in the country’s most competitive volleyball league, the Premiere Volleyball League alongside Alyssa Valdez in 2017. During her career in PVL, she was awarded the league’s Best Opposite Spiker 5 times.

Noon din siya pumasok sa Pinoy Big Brother. Ten years ago nga nang pumasok sa sikat na Bahay ni Kuya si Michele bilang PBB celebrity housemate.

At naipakita naman talaga niya ang lakas niya doon bilang housemate, hindi nga lang siya nanalo.

Bukod dito, kinoronahan din si Michele bilang Binibining Pilipinas Globe in 2018, represented Quezon City in the Inaugural Miss Universe Philippines pageant, and won 2nd runner-up in 2020.

 Kaya hindi na siya bago kumbaga sa showbiz dahil naging Star Magic talent na rin siya pagkatapos ng PBB.

Napanood na rin siya sa ibang ABS-CBN shows.

Ngayon, handang-handa na siya. Hindi naman daw niya iiwan ang volleyball, pero handang-handa na siya sa showbiz.

At ang mina-manifest niya ngayon, maka-work niya sina Piolo Pascual, Marian Rivera and Jericho Rosales.

Action project naman ang choice niya if ever na bibigyan siya ng option na mamili ng tatanggaping teleserye o pelikula.

Bahagi na ng industriya ang kanilang pamilya – just like her brother Marco Gumabao who already made a mark as a celebrity, her half-brother Paolo Gumabao debuted as a Vivamax artist years ago, not to mention her father now a pastor, Dennis Roldan, who was also a former actor, na nanatili pa ring nasa piitan.

Inaasahang mag-stand out ang pagpasok ni Michele sa industrya, especially now that she is under the management of Joel Roslin who is also the manager of Jose Manalo and Wally Bayola.

 Anyway, dahil andun na rin lang, kinumusta na rin namin sa kanya si Cristine Reyes na more than a year na rin ang relasyon sa kanyang brother na si Marco. “Alam ko may one year na sila. Kasi recently, ang dami ko kasing kapatid. Hindi ko alam kung sino nag-celebrate ng anniversary. Pero, alam ko more than one year na sila. ‘Yung bunso ko kasing kapatid ang nag-celebrate ng anniversary the other day. So, naguguluhan ako,” chika niya sa ilang kausap na entertainment press.

 Pero ‘yung immediate kayo, tatlo lang kayo or apat?

 Ah five po.

 And Marco is the only boy?

“Only boy, yes. So, naging close na rin talaga kami nila Cristine. We go to church together. Nakapag-travel na kami together. Lagi kaming kumakain din sa labas. We live really close to each other. So, talagang ‘pag nasa Manila kami lahat, we always spend time together.”

At dahil kamag-anak nila si Barbie Imperial, natanong na rin siya tungkol dito.

“Si Barbie naging close namin because of Marco. So, when she and Marco became close in show business, parang doon namin siya nasasama sa family. Close. Really close.”

Pero hindi siya nagko-confess?

“Hindi kasi siguro dala na rin talaga ng fa­mily. Siguro may experience na rin talaga sa showbiz. Parang naging unspoken rule na sa amin na walang tanungan. Kumbaga walang tanungan. Parang respect mo rin. Saka ako rin, hindi ako talaga matanong. Parang ‘pag tinanong ako, hindi ko kailangan magsinunga­ling na kaya ok na hindi ko alam. So, kahit ako hindi ko rin talaga natanong what’s her update on her love life. I’m sure everybody looks interested.

“Pero, I’m also interested. Pero hindi ko pa siya natatanong. Hindi ko pa siya natatanong. And I haven’t also seen her in a couple of months. So, we’ll see. Baka si Marco may alam,” sagot pa ni Michele.

Samantala, na-shock pala siya nang makita ang puwet ng kapatid na si Marco sa pelikula noon nila ni Anne Curtis.

“Oh, that’s one of my favorite movies of him though hindi niya sinabi sa amin. Ang sinabihan lang niya is just my Mom. So nung nanonood kami ng premiere, nagulat kami lahat, kasama ko pa ‘yung mga friends ko. Mommy ko lang ang bri-nief niya beforehand. Pero kami hindi talaga. So sobrang nakakagulat.”

So ‘yung mga ganyan, hindi ka willing to do it?

“I think iba po kasi talaga sa babae. And siguro po as of now, wala po siya sa mga goals ko. Lalo na sa volleyball. Kasi halos din ang daming nanonood na bata. So medyo kailangan mo rin po talaga maging very conscious din of the image and the message. Kasi ang dami naming fans na bata. Nagtuturo ako ng volleyball sa mga bata. So parang ang hirap naman na nakita nila ‘yung pwet ni coach. So parang ‘yun, hindi pa pwede.”

vuukle comment

CHRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with