^

Pang Movies

Inaalam ang halaga Ivana, binuksan ang bagong bahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Naalala namin ang galit na comment ng isang Kapamilya fan sa pagpasok  ni Kim Domingo sa Batang Quiapo. Tanong nito sa production ng BQ, kaya raw ba nilang ipagpalit si Ivana Alawi sa starlet na si Kim?

Hindi naman siguro mao-offend si Kim sakaling makarating sa kanya ang reaction na ito. Kinuha siya ng BQ, wala siyang inapakan at wala siyang pinalitan. Gusto lang niyang magtrabaho at dumating ang oportunidad sa BQ at sana, matanggap ito ng fans ni Ivana.

Speaking of Ivana, nagsalita at nilinaw ng manager nitong si Perry Lansigan ang isyu ng pagkawala niya sa BQ. Three months lang pala ang kontrata nito sa series ni Coco Martin at na-extend lang, kaya siya nagtagal. Kinailangan na niyang umalis sa series dahil may ibang mga commitment na naurong lang dahil sa BQ.

Samantala, ipinasilip ni Ivana ang bago nilang bahay na talaga namang maganda. Ang daming nag-congratulate sa kanya sa sinabi niyang “new home.” Comment nga ng followers niya sa Instagram, tinapatan daw ng ganda niya ang ganda ng kanyang bahay. Mukhang malaki ang bahay at ang sunod na gustong malaman ng netizens ay kung ilang milyon ito.

Rafael, may gagawing bago

Patay na si Paco Palacios sa Widows’ War na ikinalungkot ng viewers ng murder mystery series ng GMA 7. Parang ang bilis daw nawala ng kanyang karakter at bilang nila, two weeks lang siya napanood. Pero, hindi pa naman tuluyang mawawala si Paco dahil may flashback scenes pa siya. Kung totoong siya ang pumatay sa ama ni Sam (Bea Alonzo), ipapakita kung paano niya pinatay ang ama ng kanyang asawa.

Pinost ni Rafael ang last scene niya at may tanong siya na “Is this the end for Paco Palacios” na sinagot ng viewers ng “No.” Mami-miss daw nila sila ni Bea at ang nabuo nilang chemistry.

Actually, hindi siya mami-miss dahil kasama rin siya sa cast ng bagong afternoon prime ng GMA 7 na Forever Young na malapit na ang airing.

Jon, mainitin ang ulo!

Magtatapos na sa July 26 ang Black Rider at isa sa cast na malaki ang pasasalamat na action-packed series ng GMA 7 ay si Jon Lucas. Siya ang guma­ganap sa role ni Calvin na hate ng viewers dahil sa sobrang lupit ng karakter. Sa simula pa lang ng series, ang dami na niyang pinatay kabilang ang pamilya ni Elias (Ruru Madrid).

Galit man sa kanya ang viewers at minumura siya, nagpapasalamat pa rin siya na nasama siya sa cast ng series. Nabigyan siya ng bagong pag-asa na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Nasa punto na siya na gustong talikuran muna ang showbiz dahil feeling niya, wala siyang advancement at hindi nabibigyan ng right project and right role.

Hanggang sa dumating ang BR at nabago ang pananaw niya at nagbago ang kanyang desisyon. Ngayon, gusto na niyang ipagpatuloy ang pagiging aktor.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with