Dianne, handa na sa baby girl!
Kabuwanan na this month ng misis ng singer, dancer at actor na si Rodjun Cruz na si Dianne Medina-Cruz sa kanilang second child. Pero nakuha pa rin nitong dumalo sa birthday party ng kanyang close friend na si Leah Urbani, ang founder-CEO ng Asia’s Lashes na meron nang 44 branches and franchises nationwide. Isa siya sa brand ambassador ng Asia’s Lashes.
Ayon kay Dianne, baby girl ang magiging second baby nila ng husband niyang si Rodjun na may nakahanda nang pangalang Isabela.
Ang kanilang eldest child na si Joaquin ay mahigit three years old na at excited na umano sa paglabas ng kanyang baby sister.
Bobot, nahulaan ang kinabukasan!
Isang album listening party ang aming dinaluhan sa Gallery Bar ng Crowne Plaza Hotel na siyang naging format ng launching ng Goin’ Standard album ng singer, actor-comedian, director, producer and entrepreneur na si Edgar ‘Bobot’ Mortiz nung nakaraang Huwebes, July 11, ng hapon. Ang nasabing album ay under Backspacer Records and released through Curve Entertainment, Inc.
Ang new album ay pre-birthday niya bago man lamang dumating ang kanyang 70th birthday on Aug. 30. Ito’y binubuo ng walong songs mula sa kanyang paboritong crooner na si Frank Sinatra.
Ang nasabing album ay available rin in vinyl format (as collector’s item) na mabibili sa halagang P2,200 with autograph sa Backspacer Records na matatagpuan sa 2F D’Ace Plaza, United St. corner Brixton St., Kapitolyo, Pasig City.
Bukod sa pakikinig sa ilang cuts mula sa album ay kinanta rin nang live ni Bobot ang mga awiting You and Me (We Wanted It All) at That’s Life.
Ayon na rin kay Bobot, lahat ng apat niyang anak ay may talent sa pagkanta pero walang nag-pursue sa singing dahil napunta sila lahat sa ibang direksyon na may kinalaman sa production. Sina Frasco at Badjie ay nagdidirek na rin habang busy naman sa production work ang mga babae.
Tulad ni Nora Aunor na naging champion sa Tawag ng Tanghalan nung 1966, sumunod naman si Bobot nung 1967.
In our exclusive interview kay Bobot sa aming online show, ang TicTALK with Aster Amoyo ay inamin nito na sila umano ni Nora Aunor ang unang magka-loveteam bago pa man nabuo ang Guy and Pip nila ni Tirso Cruz III. Nagkasama umano sila noon sa Oras ng Ligaya program na pinamahalaan ni Direk Tony Santos. Nang pumasok si Pip sa programa ay naging love triangle nila ni Guy na sa kalaunan ay naging Guy & Pip na lamang dahil nagkainlaban umano ang dalawa sa totoong buhay. Naiwan si Bobot na walang partner at ka-loveteam. Pero hindi umano ito nagtagal nang makita niya si Vi (Vilma Santos) na naglalakad sa corridor ng ABS-CBN at sinabi niya na ito (Vi) na ang gusto niyang makasama at makapareha.
Inamin din ni Bobot na first love nila ni Vi ang isa’t isa kaya sobra umano siyang nasaktan nang sila’y magkahiwalay. Gayunpaman, nanatili umano silang close na magkaibigan hanggang ngayon. Katunayan, nang ma-i-record na ni Bobot ang songs ng kanyang Goin’ Standard album ay isa si Vi sa nakaranig ng mga kanta along with his other friends at nagandahan umano ito at binigyan siya ng go-signal na ituloy ito.
Dumating ba sa point na pinagselosan si Vi ng kanyang misis na si Milette.
“Hindi. Magkaibigan sila,” aniya.
Parehong Santos ang apelyido ng first love at last love ni Bobot na sina Vilma Santos at Milette Santos, ang nakababatang kapatid ni Charo Santos-Concio.
Ayon kay Bobot, may isa umanong manghuhula noon ang nagsabi na Santos umano ang apelyido ng kanyang mapapangasawa at EM naman ang initial ng magiging mister ni Vi. True enough, si Edu Manzano ang unang mister ni Vi habang si Milette Santos naman kay Bobot.
- Latest