^

Pang Movies

Jed, nilinaw ang bintang ng tiyahin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakangiti pa si Jed Madela nung nagpapaliwanag na hindi naman siya ang sumulat ng kantang Wish You The Worst. Ibinigay lang sa kanya iyon para kantahin at nagustuhan niya ang awitin kaya niya kinanta.

Sinasabing sumabog ang galit ng tiyahin ni Jed na tumayong manager niya noong una dahil sa awiting iyon na akala niya ay parinig sa kanilang pamilya. Kaya nga sinabihan pa niya si Jed na walang utang na loob dahil bukod sa sila nga ang nangalaga sa career ng singer noong nagsisimula pa lamang at ito raw ay sa kanilang bahay pa tumira nung luwas sa Maynila.

Ipinaliwanag din ni Jed na malaki nga ang naitulong ng kanyang tiyahin, pero kailangang umusad pa ng kanyang career at sa palagay niya kailangan niya ng ibang mga taong gagabay sa kanya sa kasalukuyang estado ng kanyang propesyon.

Nagabayan siya ng tiyahin sa pagpasok sa show business at nakapagsimula ng career pero sa ngayon ang paniwala niya kailangan niya ng mas professional na makakatulong sa pagpapatakbo ng kanyang career.

Hindi mo siya masisisi.

Or else nga naman maiiwan siya sa pansitan.

Juliana, naghahanda na sa pulitika

Graduate na si Juliana Gomez at ngayon ay tutuloy siya sa pagma-masters ng public administration. Sa takbo ng kanyang pinag-aaralan, malamang  na sundan niya ang yapak ng kanyang mga magulang na sina Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez.

After all sino pa ba ang magmamana sa mga magulang niya eh nag-iisa siyang anak.

Maaaring sabihin na baka mahirapan ang isang gaya ni Juliana na ma­ging isang public servant. Pero hindi ba ganyan din ang sinabi nila noon kay Mayor Lucy. Malabo siyang pumasok sa pulitika dahil wala siyang karanasan diyan pero alam naman natin ang nangyari, kumandidatong congressman noon si Congressman Richard Gomez, ipinetis­yon siya ng kanyang mga kalaban na ma-disqualify dahil sa ilang technicalities naging substitute candidate si Mayor Lucy noon pero nang siya ay maging congresswoman sa Ormoc, biglang gumanda ang mga palakad, nagustuhan siya ng mga tao, kaya nang sumunod na mga eleksiyon inilampaso niya ang mga kalaban.

Natapos niya ang tatlong term bilang congressman, kaya pumalit naman sa kanya sa congress ang noong ay mayor na ng Ormoc na si Congressman Goma. Siya naman ang mayor ngayon at maganda rin ang record nila sa kanilang bayan.

Nakita siguro ni Juliana kaya nga siguro naisip niyang mag-aral ng public administration.

Tungkol naman sa showbiz career, nabalitang gusto siyang kunin ni Willie Revillame sa bago noong TV show sa TV5. Nakipag-usap naman daw si Juliana, hindi nakialam doon ang kanyang mga magulang pero inamin ni Congressman Goma na hindi pa niya alam kung tutuloy si Juliana o hindi.

Pulang…, pinaghandaan

Nakita namin ang trailer ng bagong serye ng GMA 7, ang Pulang Araw. Tungkol pala iyon sa World War II, na hindi naman puro giyera dahil nilagyan ng iba pang elemento kagaya ng buhay sa teatro noong mga panahong iyon. Nakasama pa sa maikling preview ang sinapit ng mga comfort women noong panahon ng Hapones.

Hindi pa natin alam ang full content ng serye at kung papaano tatakbo ang kuwento pero batay sa nakita nating preview na inilabas nila sa internet, mukhang magastos nga ang seryeng iyan dahil marami silang ginamit na CGI.

Halata ring mukhang well-researched simula sa pananamit ng characters noong panahong iyon hanggang sa mga kotseng tumatakbo sa kalye.

Natawag din ang aming pansin sa ipinakita nilang eksena ng bodabil sa isang teatro. Maging ang facade ng teatro ay mukhang ginaya nila sa isang totoong istruktura noong mga panahon na iyon.

Nakakahinayang, kasi ang mga ganyang klaseng material ang dapat sanang ginagawang pelikula at hindi isang serye sa telebisyon lamang.

Siguro kung iyan ay gagawin nilang pelikula, masasabi ng mga tao na matatapatan na nila ang Star Cinema, at hindi gaya ngayong sinasabing ang mga artista ng GMA ay pinagagawa ng project sa Star Cinema para sumikat at kumita.

vuukle comment

JED MADELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with