^

Pang Movies

May TF kay Julius? Nadia, 18 taong itinago ang lihim sa anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
May TF kay Julius? Nadia, 18 taong itinago ang lihim sa anak
Nadia

Nagulat kami sa interview ni Julius Babao kay Nadia Montenegro. Kasi habang ang ibang bloggers at showbiz talk show hosts ay puro tsismis lang tungkol kay Nadia, si Julius ay napaamin niya at iyon mismo ang nagkuwento tungkol sa isang lihim na itinago niya nang 18 taon na. Hindi niya binanggit si Baron Geisler, pero inamin ni Nadia na ang bunso niyang anak na babae ay hindi anak ni Boy Asistio.

“Hindi ko rin naman inilihim iyon kay Boy. Alam niya ang lahat at pinili niyang angkinin ang anak ko at palakihing gaya ng ibang anak namin. Si Boy ang tumayong ama sa kanya at kinikilala niyang ama, bagama’t alam din naman ng anak ko kung sino ang tatay niya. Pero minahal siya ni Boy at minahal din niya si Boy bilang kanyang ama,” sabi ni Nadia.

Magkano kaya ang TF ni Nadia sa pag-amin niya?

Ang chika, nagbibigay ng talent fee sila Julius sa mga ini-interview nila.

Ex-hubby ni Cristine, may baby na sa non-showbiz GF

May anak na si Ali Khatibi, ang atleta na sumubok ding mag-artista at unang naging asawa ni Cristine Reyes kung kanino siya may anak na babae, sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Dona Balmadrid.

Si Cristine ay may partner na rin ngayon si Marco Gumabao, pero wala namang sinabi na sila ay nagli-live in na.

Kanya-kanyang buhay na nga ang dating mag-asawa na noon ay parang hindi mo aakalaing maghihiwalay dahil nakikita mo kung gaano ka-in love sa isa’t isa.

Juday, noon pa mina-manifest si Ate Vi

Fishing for positive answers? Napansin din namin, laging nasa fast talk questions ni Boy Abunda lalo na at sikat na artista ang kanyang ini-interview ang pagpili sa pagitan ng paborito niyang si Nora Aunor at kay Vilma Santos.

Noong interview-hin niya si Judy Ann Santos at natanong niya ng Nora o Vilma mabilis ang sagot ng young superstar na “Vilma.”

Aminado naman si Juday na bata pa lamang siya ang talagang gusto niyang makasama sa pelikula ay si Vilma. Siguro dahil sa halos pareho nilang simula, gaya ni Ate Vi, isang child star.

Doon naman sa interview ni Boy Abunda kay Gabby Concepcion lumitaw ring muli ang tanong, “Nora o Vilma.” Wala ring kagatul-gatol na sumagot si Gabby ng Vilma. Isiningit ni Boy ang katotohanan, “although I have very high respects for the governor, Nora is my favorite actress” sabi niya. Nakangiti lang naman si Gabby.

It may have been a wrong move kasi sa ngayon ang mayorya ng mga aktibong artista kung tatanungin mo kung sino kina Nora at Vilma ang gusto nila, lahat halos ay sasagot ng Vilma. Kasi kung makakasama ka sa pelikula ni Vilma sigurado madadagdagan ang popularidad mo dahil susuportahan ka na rin ng Vilmanians kahit na hindi na si Ate Vi ang kasama mo.

vuukle comment

NADIA MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with