^

Pang Movies

MFF scam 30 years ago, nabaon na sa limot

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
MFF scam 30 years ago, nabaon na sa limot
Gabby Concepcion

Believe kami sa mga historian ng showbiz industry.

Isipin ninyong nabilang pa nilang tatlong dekada na pala ang nakaraan simula nang ma­ngyari ang Film festival scam noong 1994.

May kanya-kanyang version sila ng kuwento noon. Ang natatandaan namin natutulog na kami nang tumawag ang aming kaibigang kolumnista at talent manager na si Bibsy Carballo at ibinalita sa aming nagkakagulo sa ballroom ng Manila Midtown Ramada, isang hotel sa Ermita kiung saan ginanap ang awards night ng Manila Film Festival. Wala na ang hotel na iyon ngayon at sinakop na ng katabing mall.

Magulo ang kuwento ni Bibsy walang maliwanag basta nasa stage daw si dating Mayor Alfredo Lim at gumagawa ng announcement na nagkaroon ng dayaan sa resulta ng awards. Sa telecast nai-announce nang ang nanalo ay sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez pero mali raw iyon sabi ni Mayor Fred Lim. Binigyang diin ng alkalde na mananagot sa ilalim ng batas ang may kagagawan noon.

Nang sumunod na araw mas malaking kaguluhan ang sumunod dahil nagkanya-kanyang papel na at nakialam na ang mga tao. Natatandaan namin involved sa kaguluhan ang isa sa mga alaga ni Bibsy kaya siya concerned, pero ayaw na niyang humalo sa gulo. Kaya sinabihan pa niya ang alaga niya na tumahimik na lang dahil din iyon sa kaibigan niya ang pinagbibintangang mastermind na si Lolit Solis.

Pero 30 years na pala ‘yun.

Wala nang kahit katiting na anino na may ganung naganap dahil ang ending naman ay nagkaayus-ayos ang lahat ng mga taong nasangkot sa nasabing scam.

Hindi na rin kinakahiya ni Lolit na may naganap noon.

Stell, umaming nagpagawa ng ilong

Nakausap ni Jessica Soho ang singer na si Stell Ajero na nang tanungin niya kung totoong ipina-ayos ang kanyang ilong ay agad na umaming oo totoo iyon. “Kung kaya naman ng budget mo ipagawa mo na”sabi ni Stell dahil alam naman niya na obligasyon din ng mga artista na maging maayos ang kanilang hitsura sa tuwing haharap sila sa publiko.

 Nang tanungin siya ulit ni Jessica kung ilang taon na siya sinabi niyang “29 po pero pakiramdam ko sa dami rin ng pagsubok at problemang nadaanan ko na parang fifty na ako eh.”

Natawa lang si Jessica. Napansin namin ang pagi­ging simple ni Stell sa kanyang mga sagot.

Pinagtanggol...

Hoy may statement na ng mga abugado ni Ronnie Liang at idiniin nila na “hindi alaga ni Atty. Harry Roque si Ronnie.”

Inamin nila na maraming mga malisyosong obserbasyon nang kumalat ang mga video ni Ronnie na kasaman si Atty. Roque. Pero sabi ng abogado ni Ronnie, dalawang video raw iyon pero isa lang ang nakita namin kung saan sinasabi ni Roque “tingnan natin mamaya kung mapapag-topless natin si Ronnie ako magta-top less ako.”

Inamin nila na nagkaroon ng malisyosong pag-iisip ang mga nakapanood noon dahil sa isa pang tsismis na may kinuhang executive assistant si Roque na binabayaran ng opisina niya noon sa Malacanang nang 54 thousand isang buwan mula Enero hanggang Disyembre noong 2021.

Siya rin ang nagbayad at gumastos sa trip noon sa mga bansa sa Europa para samahan siya ay nakumbida raw na maging resource speaker para sa peace process sa Ukraine samantalang si Dela Serna ang kanyang alalay dahil siya diumano ay diabetic may stent na sa puso at may iba pang mga sakit.

Si Dela Serna ay hindi naman doktor, nurse o the­raphist man lang siya ay isang male contest winner.

Charice, pikon na!

Napikon si Charice Pempengco sa isang basher na nagsabing sayang daw siya dahil sa ginawa niyang hormone theraphy, samantalang si Aiza Seguerra na gaya niya ay lesbian din at may asawa ring babae ay hindi naman ginawa ang ganoon.

Nasira nga ang boses niya at ngayon ay boses lalaki na siya at dahil nabago nawala nga ang kanyang kasikatang inani noong panahong siya pa si Charice Pempengco.

Nainis din siya dahil bakit daw ipinipilit pa ang kanyang “dead name” na Charice Pempengco samantalang si Aiza Seguerra ay tinawag noon sa kanyang alias na Ice.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with