^

Pang Movies

Solenn at Nico, nag-date sa Africa!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Solenn at Nico, nag-date sa Africa!
Solenn Heussaff at Nico Bolzico.
STAR/ File

Ang bongga naman ng pamilya nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na kasalukuyang nagbabakasyon sa South Africa.

Kasama ng mag-asawa ang mga anak na sina Thylane Katana at Maëlys Lionel sa kanilang bakasyon sa nasabing lugar.

Ipinost ng aktres ang litrato ng kanyang mag-aama na may caption na “All I breathe for.”

Makikita rin sa posts niya ang bonding ng mga anak niya kasama ang pinsan nilang si Dahlia na anak ng It’s Showtime host na si Anne Curtis at mister nitong si Erwan Heussaff.

Ang sweet nga raw ni Dahlia na laging hinahawakan ang mukha ng bunso nina Nico at Solenn na si Maëlys para tumingin ito sa camera.

Ang cute ngang tingnan ng magpi­pinsan na parang magkakapatid na rin na enjoy sa pamamasyal at pagtingin sa mga hayop sa Africa.

Nagkaroon din ng pagkakataon sina Solenn at Nico na makapag-romantic date sa isang restaurant sa Cape Town.

Nagpasalamat nga si Solenn sa mag-asawang Anne at Erwan na nag-babysit sa mga anak nila para makapag-date sila.

“Little date at the Chef’s Warehouse to end our Capetown trip! It was one of the best meals we have had in a while! Special thanks to Anne and Erwan for baby sitting for 3 hours haha” caption niya sa litrato nila ni Nico kung saan lutang ang pagka-sweet ng mag-asawa at mga kinain nila sa kanilang date na halatang masasarap.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with