^

Pang Movies

Maja, 30 oras nag-labor!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maja, 30 oras nag-labor!
Maja at Maria
STAR/File

Ikinuwento ng aktres na si Maja Salvador ang pi­nagdaanan niya nang manganak sa panganay nila ng mister na si Rambo Nuñez sa Canada.

Nailabas niya ang baby girl na pinangalanan nilang Maria pagkatapos ng 30-hour labor.

Tiniis daw niya ang 12 oras na walang epidural, na pain reliever na gina­gamit tuwing nanganganak. Matapos nga ang tatlong oras na pag-ire ay tagumpay niyang nailabas ang daughter nila.

Ayon sa kanyang post ay nagkaroon siya ng uterine inversion kaya kinailangang kunin sa kanya ang anak at ipinasa sa mister.

Sinubukan daw ibalik ng kanyang OB GYN ang kanyang uterus manually na nagdulot sa kanya ng pagkawala ng 3 hanggang 4 liters na dugo. Bumaba ang kanyang blood pressure sa 60/40 kaya sinabihan na siya ng kanyang Doula na anytime at kailangan siyang dalhin sa operating room.

Nang mga oras na iyon ay hindi na raw talaga niya kaya at ubos na ubos na ang lakas niya. Nagdasal na lang daw siya ng Hail Mary... nang paulit-ulit kahit wala na siyang lakas.

At himalang tagumpay namang nai-reposition ang kanyang uterus sa last attempt.

Kaya laking pasasalamat niya sa lahat ng medical personnel sa ospital na nandun nang manganak siya lalo na raw sa mga Pinoy nurse na nagbigay ng suporta at nag-alaga sa kanya.

Hindi nga naging madali ang panganganak ni Maja at ngayon ay nagpapagaling na siya kasama ang pamilya sa Canada.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with