^

Pang Movies

Gretchen, bumili ng pearl necklace worth P75 million

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gretchen, bumili ng pearl necklace worth P75 million
Gretchen Barretto.
STAR/ File

Bongga pala talagang mag-shopping si Gretchen Barretto.

Naalala ng BFF niyang si RS Francisco na sa isang travel nila, may nakita itong pearl necklace.

“Pagbalik niya sabi niya, ‘may nakita akong magandang pearl necklace.’ Sabi ko ‘O ngayon?’

“Tinanong ko kung magkano. Sabi ba naman sakin mahal daw. Sabi ko, ‘huh?’”

At nang narinig niya ang presyo, “1.5 million dollars.”

Pero hindi na nabanggit ni RS kung kailan ito, pero obviously, medyo matagal na. “The next day, pagkita namin suot na niya. Sabi ko, alam mo girl. At that time parang 50 pa lang o 45 ‘yung dollars basta parang ganyan. Sabi ko, 75 million pesos ‘yan. Sana bumili ka na lang ng condo. Alam mo sabi niya. ‘Masusuot ko ba ‘yung condo. Nadaganan ako niyan kung sinuot ko.’

“That’s her exact word. ‘Madadaganan ako kapag sinuot ko.’ Sabi ko, may point ka naman. So every time magkasama kami, puma-party kami, nagsasayawan kami out of the blue bigla kong sasabihin ‘nawawala na ‘yung hikaw mong isa.’ Ah shet! Joke lang. Ayun ang palagi kong playtime sa kanya. ‘‘Yung isang hikaw mo wala na. Wala na ‘yung bato,’” medyo pa-throwback na chika ni RS tungkol sa kaibigang socialite.

Samantala, aminado nga ang aktor/negosyante na tumamlay ang passion niya for acting nu’ng kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa ngayon, mas abala siya sa pag-aasikaso sa iba’t ibang negosyo tulad ng Frontrow, ang sari­ling T-shirt line, drag club na Rampa sa Quezon Cit at kung anu-ano pa.

Very soon, ani RS, may bubuksan din silang mala-mega dome club sa Bali, Indonesia.

“Sobrang laki nu’n na tipong may sports bar. Its very big,” kwento niya sa ibinigay na belated birthday lunch para sa talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis kamakailan.

“Sabi ko nga during the pandemic medyo tumamlay ang ano ko sa acting. Mas naka-focus ang ano ko sa tao, sa pag-assist sa tao, sa communities. May mga nag-o-offer sa akin na umarte ngayon pero medyo napapa-‘no’ na ako unlike before pandemic, sobrang hungry ako nu’n.

“I dont know, siguro kakakausap ko kay Gretchen, kakasabi niya sa akin na mag-retire ka na, ganu’n kasi siya nang ganu’n, eh. ‘Mag-retire ka na, nag-retire na ako.’ Kasi she would tell me nu’ng mga 2018, 2017, ‘ba’t ka pa gagawa ng movie?’ Kasi I did Boy Intsik, ‘di ba? Tapos parang ‘ba’t ka pa gagawa ng movie, ‘di mo naman kailangan ‘yan?’ Tapos I did M Butterfly, ‘ba’t ka pa gagawa ng play? Pahinga ka na lang, RS.’ Ganu’n siya nang ganu’n. And I would always tell her before pandemic, ‘Gretchen ang sarap umarte, it fills me.’ Pero nu’ng pandemic, parang nagkaroon ako ng shift, I dont know what. Basta parang siguro nag-change ang priorities ko, nag-change ang values ko, mas na-expose ako lalo sa mga tao kasi that time, ‘di ba, we were all lacking human connection? ‘Coz it was all virtual, lockdown,” mahabang tsika ni RS sa pangungumbinsi sa kanya ni Gretchen na mag-retire na sa acting.

Ganunpaman, nilinaw pa rin niya na hindi naman siya nagsasara ng pinto sa pag-arte.

It’s just that sa ngayon, mas focused muna siya sa iba’t ibang negosyo.

Tulad na nga lang ng Frontrow na may bagong opisina, bagong products, bagong endorser at bagong packaging na ilu-launch sa July.

Bukod dito, marami ring ganap sa Rampa, lalo pa ngayong Pride Month.

Actor, naibenta ang ari-arian dahil sa nanay ng ex-wife

Nakakaawa pala ang sitwasyon ng isang actor ngayon.

Nag-iisa siya sa bahay at hindi man lang daw dinadalaw ng mga anak.

Kahit ang ex-wife raw nito ay hindi na nakakaalala.

Samantalang ang ina pala ng ex-wife nito ang rason kaya’t naibenta ng actor ang bahay nila noon.

Nagkaroon daw ng malaking utang ang ina ng ex-wife ng actor sa America. Eh sinisingil na raw ito (ina ng ex-wife ng actor na isa ring actress) kaya pinakiusap ni actress sa mister na ibenta ang bahay nila.

Pumayag daw ang actor. Pero hindi nagtagal ay naghiwalay silang mag-asawa.

At ang lumalabas na masama pa ngayon, ang actor.

Kaya ang simpatya ng tao, nasa actress na misis dahil akala nila ang actor ang may kasalanan ng kanilang hiwalayan dahil sa masamang bisyo.

Ngayon daw nagso-solo ang actor sa nirerentahang bahay. Hindi na naalala ng mga mahal sa buhay.

Actually, kahit kapatid daw ng actor, hindi na rin ito tinutulungan.

Samantalang noon sikat na sikat ang actor.

Hay, ganun talaga siguro ang showbiz.

vuukle comment

GRETCHEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with