^

Pang Movies

Xian, nagpatutsada

Gorgy Rula - Pang-masa
Xian, nagpatutsada
Xian Lim
STAR/File

MANILA, Philippines — Safe na safe ang mga naibatong tanong sa mga bida ng bagong pelikula ng GMA Films at Viva Films na Playtime.

Bida rito si Xian Lim kasama sina Sanya Lopez, Coleen Garcia at Faye Lorenzo sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes.

Inaabangan naming makapanayam si Xian pagkatapos ng question and answer portion, pero naiwas nila ito.

Kaya hindi naungkat ang isyu pa rin nila ni Kim Chiu at ang bagong bahagi ng lovelife niya kay Iris Lee.

Pinakiusapan naming makapanayam ito, pero hindi kami nagtagumpay!

Maingat si Xian sa mga sagot niya lalo na’t napag-usapan ang tungkol sa relasyon.

Para sa kanya, hindi siya nakaramdam na na-playtime lang ang natatapos na relasyon kahit na matagal o sandali lang na relasyon.

May dahilan kung bakit dumating ang taong ito sa buhay mo.

Hindi naman daw niya nagawang mang-playtime sa mga taong nakarelasyon niya.

“Kung ‘yung nam-playtime, hindi po.

“Kung ako ba ang na-playtime, hindi ko alam,” mabilis na sagot ni Xian sa tanong ni Rose Garcia kung nakaranas ba silang nang-playtime o na-playtime.

Siyempre hindi namin nakuhanan ng reaksyon si Xian sa madalas na napi-playtime si Kim Chiu ng co-hosts niya pagdating sa lovelife.

Sa June 12 na ang showing ng Playtime na may pagka-suspense thriller pero nandun pa rin ang sexy scenes, lalo na’t ang se-sexy ng co-stars dito ni Xian na sina Sanya, Coleen at Faye.

Sheryl, apat na foreigner ang manliligaw!

Walang makeup pero ang ganda pa rin talaga ni Sheryl Cruz nang dumalo ito sa grand opening ng Skinlandia na matatagpuan sa basement ng SM Fairview nung nakaraang Linggo, June 1.

Napag-usapan ang lovelife, dahil inamin naman niyang apat na foreigners ang nanliligaw sa kanya ngayon.

“Actually, merong apat na manliligaw pero they’re not here from the Philippines.

“With the permission with my daughter, I do communicate with them,” sabi pa ni Sheryl.

Karamihan pa raw sa mga nanliligaw sa kanya ngayon ay mas bata pa sa kanya. Hindi lang nahahalata dahil foreigners ito at hindi ganun kabagets ang itsura.

“At my state and time right now, my age right now, marami na rin akong pagsubok na actually kinasangkutan or na-experience sa buhay o pinagdaanan. Ayoko na ma-experience pa uli as much as possible.

“I’m not really looking for somebody who looks like a model. I want somebody who I can depende on, somebody na I can work in partnership talaga.

“Because ayoko ‘yung parang nagkakaroon kami ng parang paligsahan pagdating sa aming mga career. Kasi dun kami usually ‘di nagkakatugma,” saad ni Sheryl Cruz.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with