^

Pang Movies

Glaiza at David, magulo ang pagsasama kaya ‘di pa nagkakaanak!

Gorgy Rula - Pang-masa
Glaiza at David, magulo ang pagsasama kaya ‘di pa nagkakaanak!
Glaiza at David
STAR/File

MANILA, Philippines — Maganda ang feedback sa pilot episode ng Running Man Ph na nagsimula na nung Sabado at Linggo.

Sa unang episode nito ay naka-focus sa pagpasok ni Miguel Tanfelix.

Pero mas matindi raw ang susunod na mission na ipapagawa sa kanila.

Hindi maiwasang nagkapikunan pa rin daw sabi ni Glaiza de Castro, pero sobra raw nilang na-enjoy itong season 2.

Pero sobrang happy ni Glaiza dahil pagkatapos ng 42 days na taping nila sa naturang reality show, nagkaroon sila ng bonding ng asawa niyang si David Rainey dahil sumunod doon sa South Korea.

“Nagkaroon kami ng ilang araw sa Korea after nung taping namin.

“Since hindi nga natuloy yung holiday naming na out of the country, sabi ko ko parang maganda na makita niya rin ‘yung Korea, kasi nandito kami for more than a month nung last season.

“Sobrang na-enjoy niya. Kasi iilan lang yung Asian countries na napuntahan niya. Masaya ako na naka-experience siya ng different Asian countries,” pahayag ni Glaiza nang nakatsikahan namin sa nakaraang media conference ng Running Man Ph.

Medyo magulo pa ang setup nilang mag-asawa dahil sobrang dami pa ng ginagawa ni Glaiza dito sa Pilipinas, at si David naman ay may negosyo rin sa Ireland.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi pa sila nagkaka-baby. Pero sabi naman ni Glaiza, kung sakaling mabuntis daw siya, handa na rin naman daw siya.

“Feeling ko rin. Ready naman ako, kinu-consider ko na siya,” napangiting pakli ni Glaiza de Castro.

“Napapag-usapan na po namin. Pero siyempre timing… hindi naman po matagal-tagal pa. Pero nandun na rin sa puntong napapag-usapan at pinaghahandaan na namin kung sakali man na mangyari.

“Pero parang ano e, parang katulad din ng mga missions na ginagawa naming na may lock ‘di ba? Parang hindi mo masasabi kung mangyayari, mangyayari.

“Pero kasi parang pinagpi-pray din naming na handa na po talaga emotionally, physically and ‘yung setup pa namin inaayos pa namin ngayon, kasi sa ngayon dalawa dalawa pa ‘yung kasi ano nga e, parang medyo madami kaming choices kung saan kami talaga pipirme.

“Parang sa ngayon, hindi pa puwedeng pumirme dahil ang daming nangyayari sa kanya-kanyang ano naming lugar namin. May business siya dun, may career ako dito.

“Parang tina-try pa rin namin talagang i-workout ‘yung setup namin here. So, what more kung meron pang baby,” dagdag niyang pahayag.

Bukod sa Running Man Ph ay bahagi rin si Glaiza sa fantaseryeng Sang’gre na kung saan feel na feel niyang maging Pirena.

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with