^

Pang Movies

Mia, may 27 japanese-korean resto na!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mia, may 27 japanese-korean resto na!
Mia

Ang bongga naman ng dating Sexbomb dancer na si Mia Pangyarihan, na may-ari na ng 27 branches ng Yoshimeatsu, isang Japanese-Korean-themed restaurant.

Magfu-food trip sila ni Karen Davila kung saan ikukuwento niya ang naging tagumpay sa programang My Puhunan.

Hindi niya pa rin nakakalimutan ang mga naranasan noon kung saan marami siyang sinubukang trabaho pati na ang pagiging bahagi ng isang service crew ng mga fast-food chain para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nung umalis siya sa Sexbomb, sinubukan niyang magka-solo career sa showbiz pero hindi siya sinuwerte roon pero nagtagumpay naman siya sa negosyo.

Hindi lang pala iyon ang dapat abangan sa My Puhunan dahil itatampok din ni Migs Bustos ang isang 80 taong gulang na online seller, na personal na gumagawa ng scrunchies at head bands at nagbebenta sa TikTok.

Pananahi ang hanapbuhay nito para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Siguradong aabangan ito ng mga manonood dahil ang mga gaya nilang kahanga-hanga ang dapat maging ispirasyon para magsumikap sa buhay.

vuukle comment

MIA PANGYARIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with