^

Pang Movies

Heart, rumampa na naka-bra

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart, rumampa na naka-bra
Heart Evangelista.
STAR/ File

Si Heart Evangelista ang bagong ambassador ng Avon Intimate Apparel, kaya may video na nakasuot siya ng bra. “At the launch of @avonph’s revolutionary 360 Comfort System bras, we celebrated the boundless strength and confidence of women everywhere. Empower your journey with comfort that knows no limits!,” ani Heart.

Sa video, nakasama ni Heart ang influencers na iba’t iba ang size ng katawan, ibig sabihin, hindi lang para sa slim gaya niya ang target market ng bago niyang endorsement, kaya marami ang natuwa.

May mga kasama pa siyang ru­mampa na plus ang size at very proud sila sa kanilang body na dapat lang. Mababasa ang maraming nagpasalamat na makasama siya na rumampa sa runway.

Nakakatuwa lang ang comment na sa launching ng Avon Intimate Apparel, may nag-comment na ginaya niya ang hairstyle ni Pia Wurtzbach, ‘yung nakalugay lang ang mahabang buhok.

Ayun, nadamay na naman si Pia at si Heart na rin sa bangayan ng kani-kanyang fans na hindi na yata matitigil ang awayan. Kapag may bagong post ang dalawa, expect na bardagulan ang kasunod noon na tama ang comment ng isang casual fan na nakakasawa na ring basahin ang awayan ng dalawang kampo.

Bea, kinatakutan ng bashers

Nagpahinga lang pala ang bashers ni Bea Alonzo, natakot yatang masama sa demanda, kaya isang araw after mabalita ang pagsampa niya ng demanda kina Ogie Diaz at Cristy Fermin, walang basher sa kanyang latest post sa Instagram.

Natuwa na sana ang fans ni Bea dahil malinis sa bashers at hate comments ang kanyang IG feed, kaya lang, isang araw lang pala siya pinatahimik at tinigilan. Balik na naman sila sa feed nito sa pamba-bash sa aktres at kung anu-ano ang mga sinasabi.

Si Bea pa naman, hindi nagde-delete ng comment, kaya nababasa ng followers niya at bumibisita sa kanyang IG ang nega comments. Ang maganda lang, masipag ang kanyang fans sa pagsagot sa bashers at haters niya.

May nagsabi pang kaya siya nagdemanda para muli siyang mapag-usapan na of course, hindi totoo dahil lagi siyang nasa news. Lalong hindi totoo ang nagsabing wala na siyang career dahil sunud-sunod pa rin ang endorsements at malapit na ang airing ng Widows’ War nila ni Carla Abellana.

In fact, nagsimula na ang promo ng cast sa mga probinsya at susunod na ang promo nila rito sa Metro Manila.

Sen. Bong, pagagalingin muna ang paa

May season 3 pa pala ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at ibig sabihin nito, hindi pa finale ng action comedy series ang pagtatapos ng Season 2 this Sunday. Sabi pa ni Bong Revilla sa isang interview, baka by September, puwede na siyang mag-taping uli and by that time, magaling na ang kanyang paa na naoperahan.

Puwede siyang mag-taping ng action comedy series nila ni Beauty Gonzalez, hindi nga lang siya ang gagawa ng hard action scenes, kundi ang mga kasamang action stars at marami sila.

Ang on hold muna ay ang shooting ni Bong ng Alyas Pogi na kapareha niya si Ara Mina. Hard action ito, kailangang pagalingin niya nang husto ang kanyang paa, kaya ang time table ni Bong, next year na sila makakapag-shooting uli.

vuukle comment

HEART EVANGE­LISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with