^

Pang Movies

Marian, pinagbigyan ang Ben&Ben!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kumasa si Marian Rivera sa challenge ng folk band na Ben & Ben na gawan ng dance steps ang kanta nilang Could Be Something.

Inilabas naman ni Yan ang dance steps niya sa TikTok na nag-trend na naman, huh! “Heto na ang bago kong DC. Tag niyo ako ha,” pahayag ng GMA Primetime Queen sa lahat.

Sa totoo lang, sunud-sunod ang pag-trend ni Yan dahil kamakailan, ang kanyang revival ng Marimar dance moves ang pinagkaguluhan sa social media world!

And guess what? Balitang sa GMA series niyang My Guardian Alien, magkakaroon sila ng bakbakan sa dance floor ng co-star sa series na si Max Collins, huh!

Sen. Bong, ibinuhos lahat kay Beauty!

Finale episode na ngayong gabi ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla, Jr.

Siyempre pa, ibinuhos ng Senador ang lahat-lahat para sa sitcom niyang kinagiliwan ang tambalan nila ni Beauty Gonzalez.

After nito, haharapin ni Sen. Bong ang ginagawang movie na Alyas Pogi lalo na at mahal na mahal niya ang pelikulang ito na nagpatingkad ng pangalan niya bilang Titanic Action Star, huh!

Of course, bagong lahat ang nilalaman nito pati na kuwento at action scenes na gustung-gusto sa kanya ng manonood!

vuukle comment

BEAUTY

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with