^

Pang Movies

Sen. Bong at Beauty, magpapaalam na!

Dianne Canlas - Pang-masa
Sen. Bong at Beauty, magpapaalam na!
Bong at Beauty

MANILA, Philippines — Isang kapana-panabik at hindi makakalimutang pagtatapos ang naghihintay sa Kapuso viewers sa nalalapit sa nalalapit na pagtatapos ng GMA action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na puno ng ‘di inaasahang mga pangyayari.

Ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na pinagbibidahan nina Titanic Action Star Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.  bilang Police Major Bartolome Reynaldo, at Beauty Gonzalez bilang Gloria, ay maghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa mga manonood sa nalalapit na finale nito sa May 5.

Ang pinakahihintay na finale week nito ay mayroong roller coaster ng emosyon kung saan desidido si Tolome (Senator Bong) na gawin ang lahat ng makakaya niya para mahuli ang pumatay sa kaibigan niyang si Msgt. Pretty Competente (Angel Leighton). Sa paghahanap niya sa kriminal, ituturo siya nito sa matagal niya nang kaaway, ang crime syndicate leader na si Luther Abueva (Michael De Mesa) pero malalaman niyang ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan niyang si Ace Catacutan (Ejay Falcon) ang nasa likod ng pag-atake.

Hindi pa roon nagtatapos dahil maraming katanungan ang ‘di pa nasasagot. Sino ba talaga si Diamond Ricci (Celeste Cortesi)? Talaga bang tinraidor siya ng kanyang kaibigan para sa kanyang kaaway? Ano ang ibig sabihin nito kay Tolome at kanyang mga kasama? May mamamatay ba sa huli?

Samantala, kasama rin sa star-studded cast sina Carmi Martin as Lucing, Jestoni Alarcon as Police Colonel Gener Alberto, Liezel Lopez as Jacqueline “Jacq” Dela Torre, Niño Muhlach as Sergeant Sylvester Salonga, Dennis Padilla as Police Major Vincent Policarpio, Maey Bautista as Kapitana Candida, Raphael Landicho as Kiko, Nikki Co as Dustin, Jeffrey Tam as Onofre “Bunso” Batumbakal.

Kasama rin ang guest stars na sina Max Collins, Kelvin Miranda, Herlene Budol, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Mika Salamanca, at Sanya Lopez. Pati na rin ang Pinoy-favorite action stars na sina ER Ejercito, Roi Vinzon, Jay Manalo, Ramon Christopher Gutierrez, Antonio Aquitania, Brent Valdez at MJ Ordillano.

Huwag palampasin ang season finale ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa ilalim ng direksyon ni Direk Enzo Williams sa May 5, 7:15 p.m., sa GMA Network.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with