^

Pang Movies

Daniel, minura sina Jericho at Alden?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Daniel, minura sina Jericho at Alden?!
Daniel Padilla

Sino kaya kina Jericho Rosales at Alden Richards ang gustong tukuyin ni Daniel Padilla sa lines ng kinanta niya sa kanyang birthday party na “At sa ngayon, p***ng ina may kapiling ka ng iba.” Hindi namin alam kung anong title ng song na ito at sa mga nag-react na bakit daw nagmura ito, sagot ng fans nito, kasama ito sa lyrics ng kanyang kinanta.

Kaya sina Jericho at Alden ang aming binanggit dahil sila ang nali-link kay Kathryn Bernardo na ex ni Daniel at sabi nga, nanliligaw na raw sa aktres. Kung may alam si Daniel na nanliligaw sa ex na hindi natin alam, kasama siguro siya sa namura niya.

Masaya ang 29th birthday nito na ginawa sa J Castles Amusement Park sa Tanauan, Batangas. Kakaiba ang settings dahil may rides at ‘yung mga game mag-rides, libre sila. May fireworks pa na lalong nakaganda sa setting ng birthday party na parang sa castle ginawa.

Ang paternal grandmother niyang si Mommy Eva Cariño ang special guest niya sa kanyang birthday party at present din ang ama niyang si Rommel Padilla, mom Karla Estrada, his siblings and friends na hindi nang-iwan sa kanya. Present din si Senator Robin Padilla at nagkantahan pa sila nina Daniel at Rommel.

Nag-uunahan ngayon ang fans nina Daniel at Kathryn kung sino sa dalawa ang unang makakapagsimula ng naka-line up nilang mga project. Hintayin din natin kung kaninong project ang mas tatangkilikin ng publiko.

Camille Villar, lutang ang kasimplehan

Minimalist si Las Piñas Representative Camille Villar sa kanyang OOTD na napansin ng media na kasama sa Luncheon Get-together niya. I’m sure, expensive ang suot niyang dress at shoes at branded, pero simple ang suot niya, hindi nagnakaw ng pansin.

Hindi rin siya magarbo sa alahas dahil relos, bracelet at earrings lang ang suot. Again, sure kaming mamahalin ang jewelry na suot niya, pero hindi rin nagnakaw ng pansin. ‘Yung bracelet ngang suot, hindi pansinin kung hindi siya lalapitan.

Generous siya sa pagkukuwento about her works as a representative for Las Piñas, at ‘yung na-file na two bills in the House of Representatives for the concern of Philippine journalists (House Bill No. 6543) at ‘yung seed fund to support the Philippine film industry (House Resolution No. 451).

Naka-pending sa committee level ang dalawang bills na sana maaksyunan ng dapat umaksyon para makatulong na sa journalist at entertainment industry ng bansa.

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with