^

Pang Movies

Marco, kinumpara sa kasal ang relasyon nila ni Heaven!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Marco, kinumpara sa kasal ang relasyon nila ni Heaven!
Heaven Peralejo at Marco Gallo

Mukhang ibang level na talaga ang estado ng relasyon nina Heaven Peralejo at Marco Gallo.

Sinabi ng aktor na halfway na raw sila nang tanungin sila tungkol sa kanilang relasyon.

Sweet-hate relationship daw ang meron sila at minsan mahirap daw dahil para silang best friends. Minsan para silang in love pero minsan naman pakiramdam nila hate nila ang isa’t isa.

Para sa aktres ay marami pa raw silang kailangang matutunan sa isa’t isa kahit halos isang taon na ang tambalan nila at sumang-ayon siya sa love-hate relationship nila.

Natuto raw siyang maging better person kalaunan at natutunang magpakumbaba at tanggalin ang kanyang pride.

Pero hirit naman ni Marco ay parang “marriage without a ring” ang relasyon nila.

Humanga rin daw siya kay Heaven sa pananaw nito dahil wala pa siyang nakarelasyong gaya nito.

Naniniwala raw kasi itong “a woman needs to make a man happy. You know, cheering him up, supporting him in everything he wants. I honestly never dated anyone that is like this.”

Mas healthy raw kasi kung alam ng isa’t isa kung ano ang responsibilidad sa relasyon.

Maaalalang nagtambal sila sa The Rain in España at ngayon ay balik-tambalan naman sila sa pelikulang Men Are From QC, Women Are From Alabang kaya madalas ulit silang magkasama.

vuukle comment

MARCO GALLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with