^

Pang Movies

Arci, rumampa sa K-drama location na luxury resort!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Arci, rumampa sa K-drama location na luxury resort!
Arci Munoz

Ang bongga naman ng singer-actress na si Arci Muñoz na nag-e-enjoy sa kanyang bakasyon sa Thailand.

Hindi lang siya sa basta-bastang resort nag-stay kundi sa isang luxurious resort kung saan na-feature sa isang eksena sa nag-hit na K-drama na King the Land.

Ipinakita ito sa 10th episode ng serye kung saan nag-unwind ang mga bidang sina Lee Jun-ho and Im Yoona nang pumunta sila sa Bangkok.

Isa itong private villa na gawa sa tatlong bahay na may saltwater pool, garden, at heritage house. At pagmamay-ari pala ito ng isang Pinay at kanyang mister na Thai.
Nang tanungin niya ang netizens kung saan siya nag-stay ay nakilala agad ng mga ito ang lugar at napa-sana all na lang ang mga ito na inggit na inggit sa aktres.

Marami ang naka-relate sa pag-fangirl niya na gusto ring mapuntahan ang lugar na kinuhanan sa K-drama.

Hindi kumpleto ang pagbisita ni Arci roon nang hindi siya rarampa nang naka-swimsuit kaya naman lutang ang kaseksihan niya sa kanyang teal swimsuit.

Bago ang kanyang bakasyon ay dumalo siya sa isang event na inorganisa ng Miss Universe Organization.

Sinulit nga niya ang pamamasyal at um-attend din siya ng Songkran Festival na isang water festival at na-enjoy raw talaga niya ito.

Ayon nga sa kanya ay dapat mamili raw ng araw kung saan dapat mag-relax kundi ang katawan natin ang mamimili nito kaya naman pinipili raw niyang mag-relax araw-araw. Bongga.

vuukle comment

ARCI MUNOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with