^

Pang Movies

Jane, nakipag-showdown sa National Halo-Halo Blowout

Dianne Canlas - Pang-masa
Jane, nakipag-showdown sa National Halo-Halo Blowout
Jane de Leon
STAR/File

MANILA, Philippines — Bilang pagselebreyt sa pagkahilig ng mga Pinoy sa Halo-halo, sinorpresa ng Mang Inasal ang mga customer nito sa kanilang humigit-kumulang 600 stores sa bansa ng P20 discount para sa extra creamy halo-halo small sa pamamagitan ng National Halo-Halo Blowout.

At upang mas ipakalat ang level up sarap nito, nakisaya ang Mang Inasal endorsers na sina Dimples Romana na bumisita sa Mang Inasal Ayala Malls Manila Bay, habang si Jane de Leon naman ay sa Mang Inasal Market! Market!

Sa pagbisita ni Jane ay napasabak siya sa fast talk sa National Halo-Halo Blowout sa Market! Market!

Pagdating sa halo-halo ay paborito raw talaga niya ito na sinabayan pa ng pag-indak.

Naghiyawan ang manonood nang mas piliin niya ang maliwanag kesa madilim na isa sa tanong sa kanyang fast talk.

Mas pinili naman niya ang mabilis kesa mabagal na biro niya ay ayaw daw niya ng mabagal.

Pinasaya rin niya ang fans at kumain sa Mang Inasal store nang makisayaw siya sa quick dance showdown at umindak sa Mas Macrema dance kasama ang mga store crew.

Samantala, nakiselebreyt din ang content creators na sina Melai Cantiveros, Ciara Magallanes ng Mommy Diaries PH, at Bisaya Squad na bumisita sa piling Mang Inasal stores.

Kung noong National Halo-Halo Blowout noong April 14 ay nagkaroon ng P20 off for dine-in and takeout transactions, magkakaroon naman ng ?20 discount sa delivery edition para sa lahat ng o-order ng Mang Inasal Extra Creamy Halo-Halo Small sa pamamagitan ng Mang Inasal Delivery app or www.manginasaldelivery.com.ph.

Tuluy-tuloy naman ang nationwide Level Up Sarap Halo-Halo Caravan na magsisimula sa April 20 hanggang June.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with