^

Pang Movies

Kaye, nahirapang mag-move on kay John Lloyd!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kaye, nahirapang mag-move on kay John Lloyd!
Kaye Abad.
STAR/ File

Among her ex-boyfriends, inamin ni Kaye Abad na kay John Lloyd Cruz siya nahirapang mag-move on.

Matatandaang first boyfriend ni Kaye si JLC at nagkaroon sila ng relasyon noong mga bata pa sila.

Sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda ay natanong ni King of Talk Boy Abunda si Kaye kung sino sa exes niya ang nahirapan siyang mag-move on.

sagot ng aktres. “Kasi after... ngayon ko lang din nare-recall, eh. Nag-Tabing Ilog, hiwalay na kami. So nahirapan ako mag-move on, kasi magkatrabaho kami, magka-love team kami. Umabot sa point na mag-asawa kami sa Tabing Ilog. So nahirapan talaga (ako).”

Naging mahirap din daw sa kanya nang magkaroon na ng bagong GF si Lloydie.

“Tapos nagka-girlfriend siya after ko. Hindi na niya ako pinapansin kasi nagseselos ‘yung girlfriend sa akin. So nahirapan ako, Tito Boy,” tsika ni Kaye.

When asked kung sino ang GF na ito, sey ng aktres, “secret. . .anak ng pulitiko.”

Naiintindihan naman daw niya ‘yung girl na nagseselos sa kanya dahil magka-loveteam nga sila ni John Lloyd at hindi maiwasang magkaroon ng romantic scenes.

Inamin din niya na that time na hiwalay na sila ay may ‘love’ pa rin kaya nahirapan din siya na magkatrabaho sila.

“Because we broke up not because wala nang love,” aniya.

Tinanong din ang aktres kung bakit sila naghiwalay pero hindi na niya ito ini-reveal.

Napag-usapan din nila ang isa pa niyang ex na si Chito Miranda na aniya ay napanatili nila ang pagi­ging magkaibigan hanggang ngayon.

“Na-maintain namin na friends kami. Magkikita kami sa gig niya. Kinuha pa siya ni Paul Jake (Castillo, her husband) sa Cebu for a gig. And we watched his gig,” kwento ni Kaye.

Bea, binura si Dominic!

Binura na ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account ang lahat ng posts niya about her ex-fiance na si Dominic Roque.

Wala na rin ang lahat ng sweet photos nila together sa kanyang account.

Pati ang official statement tungkol sa kanilang hiwalayan ay deleted na rin.

Hindi pa malaman kung ano ang nagbunsod sa kanya na i-delete lahat ng posts and photos nila pero hindi kaya may kinalaman ito sa latest speculation na nagkabalikan na sila? Hindi kaya ito ang paraan ng pagsasabi ng aktres na hindi totoo ang mga tsika?

Tsinek naman namin ang IG ni Dom at naroroon pa rin naman ang mga larawan nila ng ex-fiancee.

Upon checking also, nananatili naman silang naka-follow pa sa isa’t isa.

Well, for sure ay ikinalungkot ng BeaDom fans ang latest development na ito dahil nga nabubuhay na sana ang pag-asa nila na pwede pang magkabalikan ang dalawa nang mag-post si Dominic ng aso ni Bea na si Walter few days ago.

vuukle comment

KAYE ABAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with