^

Pang Movies

Ina, naalala ang anak kay Donny

Salve V. Asis - Pang-masa
Ina, naalala ang anak kay Donny
Ina at Jakob

MANILA, Philippines — Ang anak niyang si Jakob na ilang months nang hindi nakikita ni Ina Raymundo ang naalala niya tuwing may eksena sila ni Donny Pangilinan sa Can’t Buy Me Love na gumaganap na anak niya pero mabigat ang loob sa kanya.

“I’m thankful si Donny ang katrabaho ko kasi it was easy for me to show emotion kasi emotional ‘yung mga scenes namin.

“Imagine more ‘yung anak mo can’t forgive you, hate ka, ang hirap nu’n as a mom. Parang imagine ko parang si Jakob na hate ako it breaks my heart into tiny pieces. So iyon ang daling i-channel with Donny,” sabi ng actress na emosyonal din sa pagtatapos ng teleserye.

Lahat nga ay magagandang salita ang sinasabi ni Ina sa buong cast nito, hindi lang kay Donny kaya mami-miss daw talaga niya ang kakaibang closeness na nabuo sa kanila.

“They are such good people and they’re very good actors. I’m a fan for DonBelle kasi they are so young but so experienced in life and the way they carry themselves. I’m so proud to work with all of them,” chika pa ni Ina tungkol kay Belle Mariano na oo nga raw at hindi niya nakakasama sa eksena dahil nasa kabilang pamilya ito, puring-puri niya si Belle.

Si Jakob ay anak ni Ina na nag-aaral sa US at very hunk na kasali sa college baseball team ng kanyang eskwelahan.

It’s Showtime, humamig ng pinakamaraming viewers sa TV at online

One week na sa GMA 7 ang It’s Showtime ngayong araw.

Last Saturday nung nag-umpisa silang umere kung saan nanguna ito sa TV rating at online views at pinag-usapan din sa social media kung saan nagtala ito ng maraming trending topics noong Sabado (Abril 6).

Umabot ang pinagsamang TV rating ng 11.3 percent mula sa GMA, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel ng programa.

Samantala, nag-post ang GMA Network sa kanilang social media accounts ng National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng Nielsen Philippines na nagpapakita na ang programa ay nakakuha ng pinagsamang TV rating na 9.6% mula sa GMA, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel kumpara sa kasabay na program na nagtala ng 4.4 percent.

Nagtala naman ito ng kanilang all-time high na 524,294 peak concurrent views mula sa iba’t ibang social media sites ng ABS-CBN at GMA.

Bukod dito, bumuhos din ng mga magagandang reaksyon mula sa netizens at talagang pinag-usapan sa social media ang pasabog na opening number ng hosts, maging ang nakakakilig na guesting ni Miss Universe 2023 Michelle Dee sa Expecially For You kaya naman nag-trend ang show worldwide.

Sen. Chiz, mabilis nag-sorry

“Hindi ko personal na ginagamit ang protocol license plates na inisyu sa akin, at ang mga protocol plate na sangkot sa insidente ay isusuko sa LTO,” sagot kaagad ni Sen. Chiz Escudero matapos mag-viral ang isang kotse na may number 7 na diumano’y ginagamit ng miyembro ng kanyang pamilya.

“Pinupuri ko ang mga awtoridad sa kanilang pagbabantay at inuulit ko ang aking suporta sa mga pagsisikap ng gobyerno na tiyaking sinusunod ng lahat ang mga patakaran at regulasyon sa trapiko sa Metro Manila—anuman ang ranggo, titulo o posisyon.

“Humihingi ako ng paumanhin sa publiko at sa aking mga kasamahan sa Senado para sa pangangasiwa na ito,” say pa ng pulitikong mister ni Heart Evangelista na last week ay napabalitang na-ICU pero fake news pala.

Nauna nang nahuli sa EDSA bus lane si former Ilocos gov. Chavit Singson.

vuukle comment

INA RAYMUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with