^

Pang Movies

Korean singer, nakuhang walang buhay matapos daw makipag-inuman

Salve V. Asis - Pang-masa
Korean singer, nakuhang walang buhay matapos daw makipag-inuman
Park Bo-ram

MANILA, Philippines — Nagluluksa na naman ang K-pop fans matapos ang kumpirmasyon na namatay ang South Korean singer na si Park Bo-ram sa edad na 30, ayon sa kanyang talent agency na Xanadu Entertainment.

Ayon sa online reports, sinabi ng South Korean police, na nakikipag-inuman diumano ito kasama ang dalawa pang kasama sa bahay ng isang kakilala nang matagpuan itong walang malay sa banyo bandang alas-9:55 ng gabi.

Siya ay dinala sa ospital, ngunit binawian daw ng buhay makalipas ang mahigit isang oras – alas-11:17 ng gabi.

Kasalukuyan na raw itong iniimbestigahan ng pulisya.

Sumikat pala siya sa edad na 16 nang lumabas sa reality singing competition ng South Korean TV channel na Mnet na Superstar K2 noong 2010, kung saan nagtapos siya sa top eight.

Nag-debut siya sa Beautiful noong 2014 at nagpatuloy sa paglabas ng more than 10 singles at dalawang EP – Celpretty noong 2015 at Orange Moon noong 2017.

Inilabas ni Park ang kanyang latest single, I Miss You, noong Abril 3 ayon sa information na lumabas sa Asia News Network at Korea Herald.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with