^

Pang Movies

Glaiza sumablay ang diet, na-hospital!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagbigay-babala si Glaiza de Castro sa mga mahilig mag-diet dahil na-experience na raw niyang maospital dahil sa isang unbalanced diet.

Kinuwento niya na nagsimula siyang mag-diet noon dahil sa pagganap niya bilang si Pirena sa Encantadia reboot noong 2016. Na-pressure ang Kapuso actress nung makita niya ang isusuot nilang costume sa naturang telefantasya.

“Noong nag-prepare po ako sa Encantadia 2016, ayun ‘yung sobra kasing pressured ako noong mga panahon na ‘yun. Kasi nga may warrior costume tapos ano siya e, may gagampanan kaming role na tumatak sa viewers. Parang big shoes to fill.

“Sobra ‘yung workout ko tapos hindi ako masyadong nagka-carbs noon. So ‘yung carbs ko is ‘yung banana, saging na saba. May quinoa naman ako, tapos itlog, pero sa sobrang hindi balanse ang diet ko kasi palaging ‘yun tapos nagwo-workout ako.”

Dahil dun ay humina raw ang katawan niya at kinailangan siyang ipasok sa ospital. Kaya payo ng aktres sa mga mahilig mag-diet, mag-consult sa kanilang doktor or nutritionist kung ano ang babagay na diet sa body type nila.

Showtime host Cianne, tinangkang gahasain

Na-trauma ang It’s Showtime host na si Cianne Dominguez dahil sa ginawang pangha-harass sa kanya ng isang gay bar dancer na ang pangalan ay Ronnie Gray.

Ayon kay Cianne, sinundan daw siya nito sa kanyang condo building noong April 11 at doon ay tinangkang halayin siya nito. Mabuti na lang daw at alerto ang pag-iisip niya at nagawa niyang labanan ang suspect. Bigla raw kumaripas ng takbo si Ronnie nung manlaban si Cianne.

Kuwento ng ama ni Cianne: “The suspect followed my daughter to her condo, forcibly preventing the door to be closed and held her waist, forcing to kiss] her. Good thing that my daughter is strong enough to escape. The suspect ran afterwards.”

Nahuli agad si Ronnie ng security ng condo building ay naka-detain ito ngayon sa Quezon City Police District at sinampahan ng kasong Violence Against Women and Children (VAWC) at trespassing.

Pinost pa ng kaibigan ni Cianne na si Lance sa X (formerly Twitter) ang photo ni Ronnie at sinabing hindi raw ito nagpakita ng pagsisisi sa tangka nitong paghahalay.

“Walang karemorse-remorse. Ngumingiti pa habang iniinterrogate. Ayaw pang mag-sorry. Nakakakulo ng dugo. Mabulok sana sa kulungan ‘tong hayop na ‘to,” caption ni Lance.

Anak nina Ben Affleck at Jennifer Garner, nagladlad na trans

Miyembro na ng LGBTQIA+ community ang pangalawang anak nina Ben Affleck at Jennifer Garner na si Seraphina Rose o mas kilala na sa bagong name nito na Fin.

Nag-identify bilang “transgender” si Fin at ginawa niyang isapubliko ang kanyang identity sa memorial service ng kanyang pumanaw na grandfather na ama ni Jennifer.

Nagpa-buzzcut at black tuxedo ang suot ng 15-year-old na si Fin sa naturang memorial service.

Ang dalawa pang kapatid ni Fin ay sina Violet Anne (19) at Samuel Garner (12).

Hindi nagpa-interview ang ex-couple na sina Ben and Jen tungkol sa pagiging transgender ni Fin. Paraan daw nila ito para maprotektahan ang privacy ng kanilang mga anak.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with