Pagbabasa ng diyaryo, mas masaya pa rin
Kahit anong mangyari, dyaryo pa rin ng binabasa ko.
Tuwing umaga, bumibili na si Mel, kasama ko sa bahay ng mga dyaryo, ang Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.
At doon ako kumukuha ng mga balita at hindi ko inaasa sa social media.
Hindi porke may social media account ako, Instagram lang, ay umaasa na ako sa mga balita roon, hindi noh. Sa traditional media ako.
At sa totoo lang, wala akong nakikitang post ng mga sinasabi at nagpapakilalang content creator or influencer o vlogger.
Hahahaha.
Wala talaga akong ka-idea.
Basta para sa akin dyaryo at TV lang ang source of information ko.
Kaya nga minsan wala akong pakialam pag may nagsasabi sa aking may lumabas akong interview sa Tiktok.
Basta pag nakita ako nina Salve o Dondon (Sermino), talagang ginagatungan nila ako para magkomento sa kung anu-anong intriga. Hahaha.
Ako naman si gaga super react. Well, basta ako ini-enjoy ko na lang ang pagbabasa ng dyaryo at panood ng K-drama.
- Latest