^

Pang Movies

Cong. Lani, baliw sa mga apo!

Gorgy Rula - Pang-masa
Cong. Lani, baliw sa mga apo!
Lani, Lauren at Jolo

MANILA, Philippines — Feel na feel na ni Cong. Lani Mercado ang pagiging lola, lalo na ngayong nadagdagan na naman siya ng isa pang apo, si Lauren Angela.

Sobra ang tuwa niya sa mga apo, pero parang apple of the eye niya ngayon si LA na apo niya kina Jolo at Angelica na madalas daw niyang nakikita.

Proud ang actress/politician na lahat ng mga apo niya ay andun siya nang isinilang ito.

Nasa Amerika rin siya nung iniluwal ni Angelica si LA, dahil kailangan daw niyang alalayan si Cong. Jolo na medyo natataranta noon dahil nahihirapan si Angelica sa kanyang panganganak.

Ini-enjoy na niya ngayon ang kanyang mga apo. “Siyempre, iba-iba naman ‘yung giliw mo sa mga apo,” sabi ni Cong. Lani.

“Si Gab (unang anak ni Jolo), yan ang kasama ko…mahilig siya manood ng mga stage plays. Siya ‘yung ka-date ko ‘pag manonood kami ng mga stage plays. Mahilig siya sa ganun.

“Tapos si Alexa (anak ni Inah Bautista-del Rosario) naman, very sporty ‘yung apo ko na ‘yun. Aba marunong mag-drive ng UTV, nagpa-firing kami, nasu-swimming. Basta ano siya, very active sa sports. Napaka-sporty. Walang takot ‘yun!

“Si Inigo (isa pang anak ni Inah) naman, naku po! Laging mahilig mag-games. Sabi ko, ‘what will make you happy? I don’t know! Sige na nga! Go back to your room and play. ‘Yey! ‘Yun ang love niya.

“Si Mikmik (bunsong anak ni Inah) naman nakakatuwa. One time kasama naming nanonood ng Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis, kinikilig sa lolo (Sen. Bong Revilla). Tapos after naming manood, dikit nang dikit sa lolo. Nakaganun siya, parang amazed na amazed siya. Na-starstruck siya.

“Na-starstruck siya sa lolo niya. Tapos ‘di ba hinaharot si Bong ng mga girls, kinikilig din siya. Sabi ko, you’re not jealous? How about Momsie? Tapos kikiligin siya, mahilig sa mga magagandang girls.

“Si Mikmik na nakakatuwa! ‘Pag nandun sa lolo niya, sumisilip siyang ganun. Tapos pag tumitingin si Bong, magtatago. Naging fan, kinilig siya talaga,” dagdag pang kuwento ni Cong. Lani.

Sa April 13 ay isi-celebrate ni Cong. Lani ang kanyang 56th birthday at halos buong buwan ng April ay may celebration siya sa Bacoor.

Sa mismong kaarawan niya ay magkakaroon ng free concert na pinamagatan nilang G na G with Ate Lani, tampok dito ang bandang Itchyworms at Flow G na gaganapin sa NOMO Parking lot.

Magkakaroon pa sila ng Job Fair sa SM Bacoor sa April 16, at kinabukasan ay may bloodletting program naman sa Strike Gym.

Sa araw ding ‘yun sa April 17 ay dadaluhan niya ang blessing ng covered court sa Molino 4, pati sa Habay 1. May medical mission din siya sa Niog sa April 21.

Kaya wala raw munang bakasyon dahil mas gustong mag-focus para sa mga taga-Bacoor ang kanyang 56th na kaarawan.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with