^

Pang Movies

Patrick, ‘di makalimutan ang pambabasted ni Anne!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Patrick, �di makalimutan ang pambabasted ni Anne!
Paolo Contis at Patrick Garcia

Bongga ang mga rebelasyon nina Paolo Contis at Patrick Garcia sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda last Wednesday.

Buong ningning na ibinunyag kasi ni Patrick na nanligaw siya kay Anne Curtis at binasted siya.

Hindi na gaanong nag-elaborate pa ang aktor tungkol dito dahil matagal na raw ito.

“Mga 1999 pa ‘to. Ngayon ko lang sinabi ‘to. Sorry guys,” sey ni Patrick.

Nagkaroon din ng pa-throwback ang dalawang aktor noong magkasama sila sa teen-oriented series na Tabing Ilog sa ABS-CBN along with Baron Geisler, Desiree del Valle, Jodi Sta. Maria and Kaye Abad, Paula Peralejo and John Lloyd Cruz.

Natanong ng host na si Boy Abunda ang dalawa tungkol sa mga naaalala nila sa Tabing Ilog co-stars at nang mabanggit si Desiree, Paolo recalled na nagkaroon sila ng conflict before.

“There was a time na ‘yung friendship namin ni Des na hindi naging OK, na nagkaroon ng point na hindi kami nagkikita sa set kahit magka-eksena kami,” kwento ni Paolo.

Inamin din niyang niligawan niya noon si Desiree.

Nang mabanggit naman si John Lloyd, sey ni Patrick, ang natatandaan daw niya ay ‘yung kinuha raw nito ang kanyang butong pakwan na pinaghirapan niyang buksan at ipunin.

“Kasi inipon ko, eh, tapos sabay-sabay kong gaganunin (isusubo), kinuha niya sa ‘kin, tapos (kinain). ‘Yun ang natatandaan ko sa kanya. Masama ang loob ko nu’n,” sabi ni Patrick.

Sey pa niya, hanggang ngayon daw ay may bubog pa rin siya sa ginawa sa kanya ni Lloydie.

When asked kung ano ang natatandaan nila tungkol sa isa’t isa, ayon kay Paolo, “hindi ko makakalimutan kay Patrick at lagi kong sinasabi sa kanya ‘to, na nu’ng unang araw ng Tabing Ilog, alas-siyete ng umaga ang call time namin, alas-siyete siya ng gabi dumating.”

Si Patrick naman ay hindi raw niya makakalimutan ang ginawang pag-aalaga sa kanya ni Paolo noong nasa Australia sila.

“Basta may nangyari do’n sa Australia, tapos, hinintay niya talaga ako hanggang sa matapos,” tsika ni Patrick.

Anyway, nagbabalik si Patrick sa pag-arte ngayon at gusto pa raw niya talagang umarte. Medyo natagalan nga lang daw ang kanyang pagbabalik because of the pandemic.

Yasmien, na-tense sa pagpapakita ng tyan!

Malapit nang manganak si Yasmien Kurdi sa second child nila ng mister na si Rey Soldevilla. Nagkaroon na nga ng maternity photo shoot ang aktres na first time niyang ginawa.

Ibinahagi ni Yasmien sa Instagram ang kanyang maternity photos at inaming na-tense siya sa photo shoot bilang hindi raw siya sanay na ipakita ang kanyang tummy.

“Embracing my sexy pregnant body charot! Embracing womanhood,” simula ng caption ng aktres.

“ Nakakatense pala mag #Maternity shoot  Ang weird kinakabahan ako? pero ayun! I did it! Ang weird kasi ng feeling na pinapakita ‘yung tummy sa photoshoot (ewan ko ba kung ako lang ba itong na tense or kayo din? or ang conservative ko lang talaga.

Noong una nga raw ay hesitant siya na gawin ito pero dahil wala siyang maternity photo shoot sa panganay nilang si Ayesha ay pumayag na rin siya.

“When Ms. Charise of Nice Print asked me kung ‘di ba ako mag-maternity shoot? hesitant ako noong una kasi kinakabahan ako? pero kasi naisip ko na with #AyeshaZara wala akong #MaternityShoot  Minsan lang naman tayo mabuntis  so para may memories naman ng pregnancy na nakapag photoshoot,  she wrote.

Kahit na nailang daw siya na ipakita ang kanyang tiyan dahil feeling niya ay hindi raw ito photogenic ay nakaya naman daw niyang tapusin with flying colors ang pictorial.

vuukle comment

PATRICK GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with