^

Pang Movies

Sinimplehan ang kasal, Bea naalala sa kasal nina Zanjoe at Ria

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sinimplehan ang kasal, Bea naalala sa kasal nina Zanjoe at Ria
Zanjoe Marudo at Ria Atayde

Mrs. Zanjoe Marudo na si Ria Atayde.

Last Saturday sila ikinasal ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasabay ng birthday ng actress.

Walang ibang details na ibinigay ang bagong kasal tungkol sa pag-iisang dibdib nila pero ang sure, ravishing and stunning bride si Ria sa kanyang simpleng wedding dress.

Maraming natuwa dahil gulatan ang lahat. Tho marami na rin ang nakaalam nito.

Hindi raw katulad ng iba na maingay na maingay pero sa wala napunta.

Siyempre gan-to ang nangyari ay sa ex ni Zanjoe na si Bea Alonzo na cancelled ang engagement kay Dominic Roque.

Isang malaking event ang nasabing proposal ni Dominic pero kay Bea, pero nganga.

KC, inihahanda na ang property sa Palawan

Dini-develop na ni KC Concepcion ang property na nabili niya noon sa San Vicente, Palawan.

“A place to be enjoyed by my loved ones one day,” aniya sa isang post sa Instagram kalakip ang larawan ng property at isang photo na may kasamang engineer.

“I can’t wait to share this place with my special someone and make new memories with family and friends,” dagdag niya pa.

Ayon kay KC, sa kanyang mommy niya natutunan na mag-invest sa mga property na matagal nang ginagawa ni Ate Shawie.

Non-showbiz entrepreneur na pinagsama sina Sharon at Regine sa kanyang birthday, pumanaw sa edad na 50

“Your time is limited, so don’t waste it living someone else’s life,” sabi ni Steve Jobs.

Na totoong-totoo. Limitado ang oras ng bawat isa.

Last November lang nang mag-celebrte ng 50th birthday si Hazel Villaflor, isang matagumpay na negosyante, na enjoy manood ng Tagalog films, sa Shangri-La BGC.

Grabe nakakamanga ang ayos ng ballroom ng gabing ‘yun.

Halos isang taon daw niyang pinagplanuhan ang nasabing selebrasyon.

Hindi inisip ang gastos - mula sa invitation hanggang sa smallest details nito - upang masiguro na handa para sa nasabing celebration kasama ang aabot sa 200 na bisita na miyembro ng kanyang pamilya, relatives and friends na iba ang galing pa sa ibang bansa.

Sa nasabing 50th birthday ni Hazel, nagkaroon ng back-to-back mini concert sina Sharon Cuneta and Regine Velasquez.

Favorite ni Ms. Hazel sina Ate Shawie and Regine, kaya talagang tinupad niya ang childhood dream na mag-perform sa kanyang birthday ang dalawang OPM legends.

Kinanta nila ang favorite songs niya kaya’t palakpakan ang mga guest.

Bukod kina Sharon and Regine, guest din si Ian Veneracion kung saan kinilig lahat ng girls, kahit ang may birthday, pero nagpigil siya dahil nasa tabi niya ang mister na si Ging.

At kung pagalingan naman ng pagho-host ang labanan, winner si Robi Domingo na pinakita niya sa nasabing party.

Si Gideon Hermosa ang nag-design ng ballroom ng Shangri-La BGC na ayon sa floral and events designer : “A divine celebration, inspired by the luxurious patterns of Dior’s toile du jouy, for our birthday girl who continues to radiate elegance on her golden year.”

Ang Manila Philharmonic Orchestra ang nag-provide ng music nung gabing ‘yun.

Pero ang pinaka-bongga, nagkaroon ng pa-raffle ng cash and iPhone nung patapos na ang party na ang karamihan sa mga nanalo ay matatagal na niyang empleyado.

Literal na kinabog nito ang mga showbiz party.

Hindi raw nakaranas ng debut ang negosyante na kung tawagin ng mga anak ay Dragon Lady kaya tinodo ang kanyang 50th birthday.

Sa Paris pa sila nag-pictorial at ang saya-saya niya habang rumarampa suot ang mga luxury brand.

At sa mga video presentation, walang trace na iiwan na niya ang mahal  sa buhay at huling birthday celebration na niya ‘yun.

Pumanaw siya dahil sa diumano’y sepsis shock.

Nagpa-admit siya sa hospital dahil sa bleeding na akala raw nito ay related sa kanyang pagmi-menopause.

Pero hindi na siya nakauwi ng buhay.

Gone too soon.

Rest in Paradise, Sister Hazel.

Dingdong grumadweyt ulit, mga anak nagulat

Nagulat sina Zia at Sixto na ga-graduate ang ama nilang si Dingdong Dantes nang umalis itong naka-uniform.

Hindi naman daw siya estudyante.

Pero nginitian lang nito ang pag­kagulat ng dalawang anak nila ni Marian Rivera.

Dahil ga-graduate talaga siya.

“When I left the house this morning, Sixto was surprised to see me in this gala uniform. He asked, “Dada, where are you going?” I said that I would attend my graduation rites in the Seabees Headquarters. From the second floor, to my surprise, I heard the strong, coarse voice of Zia screaming, “What? You will graduate? Are you a student?”

“I just smiled and answered that, yes, even old people can still study and finish anything as long as they want to, because learning should never stop.

“As a reservist, it is a privilege to be given these opportunities to acquire new skills which can definitely enhance many aspects of my life as a professional, father, and husband.

“And what an honor to receive the certificate of completion from King Bee himself, Commodore Rolando Sarmiento.

“NCEOBC class 07-23,” buong post ng actor.

Samantala, sunud-sunod din ang endorsement nilang mag-asawa.

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with