^

Pang Movies

Kristel natakot mamatay dahil sa tumor sa leg!  

Salve V. Asis - Pang-masa
Kristel natakot mamatay dahil sa tumor sa leg!      

MANILA, Philippines — Natakot mamatay ang actress / influencer na si Kristel Fulgar nung may nadiskubreng may tumor siya sa leg.

Sa kanyang vlog ay ikinuwento ni Kristel ang pi­nagdaanan / pinagdaaranang health crisis nang may makitang bukol sa kanyang binti. “Nandito ako ngayon sa clinic, papa-diagnose ako, may na-discover akong lump sa leg ko, sa calf area. Nagpa-ultrasound ako, ito ‘yung result.

“‘Yan ganyan kalaki ‘yung bukol. Medyo malaki siya, hindi siya basta-basta pala fat lang or blood na namuo kaya kailangan kong mag-undergo ng another diagnosis.

“It’s either MRI or vials. First time kong maggaganun. Hindi ko alam na ganito pala kalala ‘yung sitwasyon,” umpisa ni Kristel habang pinapakita ang mg resulta ng kanyang test.

“After ng muscle ko, meron akong lump dito. ‘Yan ganyan siya kalaki, malaki siya. Parang ngayon gusto ko lang malaman kung malignant ba siya o benign para malaman ko kung kailangan kong mag-undergo ng surgery. Kung malignant siya kailangan siyang ipatanggal. Wini-wish ko lang ngayon na sana ‘yung maging result ng biopsy is benign. Sana benign siya. Ayoko pang mamatay,” kuwento pa niya.

“I can say that this is one of the scariest things I’ve done. I had to wait for at least 10 days to get the result. And it was the hardest challenge I have faced in my life. It really affected my mental health and triggered my anxiety. There were a lot of ‘what ifs’ and I cried every night to sleep.”

Hanggang lumabas na ang resulta : “The result came out, and it was diagnosed as SCHWANNOMA.

“Schwannoma tumors are often benign, which means they are not cancer. But in rare cases, they can become CANCER,” kumpisal pa niya.

 Hanggang nag-decide siyang ipatanggal na ito sa Korea: “First checkup ko dito sa Korea. Medyo kinakabahan ako buti na lang nandito ‘to (Suhyuk Ha),” na ang tinutukoy ay manliligaw daw niyang Korean.

 “I finally decided to get the tumor removed after a year of contemplating. It is growing and has a chance to be malignant, so it should be removed.  

“I got red patches on my face and neck due to suspected allergy side effects caused by an MRI injected formula.”

 Dagdag pa niya : “I have no fa­mily in Korea so Suhyuk took the responsibility to take care of me.”

 “A friend dropped by to take care of me while Suhyuk is still at work,” ang kuwento pa ni Kristel.

Samantala, sumabay talaga siya sa pag-amin ng Princess of Wales, Kate Middleton, na siya ay may cancer at nasa early stage ng chemotherapy at humihingi ng “time, space and privacy” habang tinatapos niya ang kanyang pagpapagamot.

Ayon sa video statement ni Princess Kate, nadiskubre ang kanyang sakit pagkatapos ng matagumpay na operasyon sa kanyang tiyan noong Enero at sinasabing malaking pagkabigla ang nangyari ngunit siya ay mabuti at lumalakas daw araw-araw.

Nabanggit niya sa video statement na “In January, I underwent major abdominal surgery in London and at the time, it was thought that my condition was non-cancerous.

“The surgery was successful. However, tests after the operation found cancer had been present.”

KRISTEL FULGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with