^

Pang Movies

Zanjoe at Ria, kasal na?!

Salve V. Asis - Pang-masa
Zanjoe at Ria, kasal na?!
Ria at Zanjoe

MANILA, Philippines — This weekend na diumano ikakasal sina Zanjoe Marudo and Ria Atayde.

Civil wedding lang daw ito.

Ang daming happy para sa showbiz couple dahil ang bait naman ng actress at ng kanyang pamilya.

Pero ba’t kaya parang hindi nila pino-post?

May nagsasabi ring nasa interesting stage na si Ria pero wala rin silang sinasabi or pino-post tungkol dito.

Ahh baka naman after the wedding.

Marian, ayaw na ng mahirap na teleserye

Hindi itinanggi ni Marian Rivera na nangapa siya sa pagbabalik sa teleserye via My Guar­dian Angel after five years. “Nangapa talaga ako. Ang hirap mag-memorize ng lines, pero dahil sa tulong ng mga tao sa paligid ko, naging madali sa akin ang trabaho ko,” kumpisal ng Box-Office Queen na Primetime Queen din ng GMA 7.

At sinabi niya talaga na kinausap niya ang GMA 7 na ‘wag na siyang bigyan ng mabibigat na role.“Sabi ko ‘yung soap na hindi ako mahihirapan kasi pag-uwi ko ng bahay pagod na ako,” natatawa niyang chika noong media conference ng My Guardian Alien with Gabby Concepcion kasama ang buong cast ng series.

Dagdag niya “Bukod sa maganda ang kuwento nito, sa sobrang dali, wala akong lines minsan. Kasi alien ako. So naging madali para sa akin.

“At sabi ko nga ito ‘yung nilo-look forward ko, ‘yung makagawa ng magandang proyekto na mapapanood ng mga anak ko, na magiging proud sila at proud akong sabihin na nakagawa ulit ako ng isang pamilya dahil sa show na ito. So lahat ito ay blessing para sa akin,” dagdag ni Yan.

Dinirek ito ng award-winning director Zig Dulay.

Maraming beses hindi natuloy ang pagtatambal nina Gabby at Marian, tama ba limang beses naudlot?

Makakasama rin nila rito si Raphael Landicho, Max Collins at marami pang iba.

Magsisimulang mapanood sa April 1 ang My Guardian Alien, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with