^

Pang Movies

Mikael, iwas pag-usapan ang nangyari kay Megan sa Miss World

Gorgy Rula - Pang-masa
Mikael, iwas pag-usapan ang nangyari kay Megan sa Miss World
Megan Young at Mikael Daez

MANILA, Philippines — Tipid ang sagot ni Mikael Daez nang kinumusta ko ang asawa niyang si Megan Young pagkatapos ng isyu sa hosting niya sa nakaraang Ms. World 2024.

“We’re okay. We’re good!” kaagad niyang sagot.

Sinundan namin ng tanong kung ano ang ipinayo niya sa kanyang asawa nung binash ito dahil sa ginawa nitong pag-ayos ng buhok ni Ms. Bostwana.

“Wala! Tapos na ‘yun. We moved on and enjoy life,” safe niyang sagot.

Si Mikael pa rin ang isa sa runners sa season 2 ng Running Man Philippines na kinunan uli nila sa South Korea.

Ang kaibahan lang nito ay sobrang lamig talaga sa South Korea nung nag-ta­ping sila roon. ‘Yun daw talaga ang hinding-hindi nila makakalimutan na tumatakbo sila sa napakalamig na bansa.

Sa May 11 at 12 na raw magsisimula ang Running Philippines 2 sa GMA 7.

Kokoy, sumabak sa matinding hubaran sa Your Mother’s…!

Sa April 12 na magsisimula ang EnlighTen Festival ng Ideafirst nina direk Jun Lana at direk Perci Intalan. Mapangahas ang opening film ni direk Jun na Your Mother’s Son na pinagbibidahan ni Kokoy de Santos, kasama sina Sue Prado, Elora Espano at Miggy Jimenez.

Sa nakaraang mediacon ng Best Time Ever campaign ng GMA 7, tinanong namin si Kokoy tungkol sa pelikulang ito.

Mas matindi raw itong ginawa niya rito kesa sa paghuhubad na ginawa niya sa Fuccbois. 

Ang maganda lang daw nung ginawa niya ang pelikulang ito, kasundo niya ang co-stars niya at magagaling pa raw silang lahat.

Tinanong ko ulit, kung lahat ba ay ipinakita niya?

“Mas maganda kung makita n’yo na rin!” bulalas ng pilyong aktor na nakakatuwa rin ang performance sa Bubble Gang at isa siya sa aabangan sa Running Man Philippines 2.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with