^

Pang Movies

Willie at TV5 execs, may usapan na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Willie at TV5 execs, may usapan na!
Willie Revillame at TV5 execs
STAR/File

Masaya ang fans ni Willie Revillame na balik-TV5 siya at kahit wala pang official announcement, nalaman na dahil sa post ni Atty. Buko dela Cruz na photo ni Willie with TV5’s big bosses. Kuha ang larawan sa TV5 Media Center at ang caption pa ng abogado ay “Wowowee sa TV5???”

Ang unang balita, baka sa afternoon uli ilagay ng TV5 ang show niya, kaya lang, may umeere silang comedy game show na Barangay Singko Panalo. Kasisimula lang ng show na hosts sina Jerald Napoles at Kayla Rivera at baka ma-extend.

Ang latest na nasagap namin, pagkatapos ng Eat Bulaga ang magiging time slot ng show ni Willie at kung sa 2:00 p.m., slot ang kanyang show, ang Abot-Kamay na Pangarap nina Jillian Ward at Carmina Villarroel ang kanyang makakatapat.

Kaya hindi ang Family Feud ni Dingdong Dantes daw ang makakatapat nito, kundi ang hit afternoon soap ng GMA 7. Ito ay habang wala pang kapalit na show ang Tahanang Pinakamasaya.

Ang biruan nga ng netizens, magtutulung-tulong sino Tito, Vic, and Joey (TVJ) at si Willie na talunin ang show ng GMA na ilalagay sa 12nn to 4 p.m., slot. Kaya, hanggang 4 p.m., ang binanggit namin dahil siguradong dalawang oras tatagal ang show niya kapag nagsimula na.

Alden, nag-ayuda ng P200K sa Mowelfund!

Pinasalamatan ng Mowelfund members na dumalo sa 50th anniversary ang mga taga-industriya na nagtulung-tulong para maging masaya ang selebrasyon. Kabilang si Alden Richards na nagbigay ng P100K cash na pa-raffle. May kasama pang McDonald’s na sabi ng member, umaagos sa rami.

May nakuha pang sponsor si Alden na nagbigay ng P100K, kaya all in all, P200K ang naibigay ng aktor para raw mas maraming sumaya sa members ng Mowelfund.

Nagbigay rin si Vilma Santos ng P50K at si Imelda Papin nagbigay ng P5K. Galing sa Mowelfund ang grocery na may 5 kilos rice, vitamins at iba pa. Hindi nabanggit ang iba pang artista na nag-donate ng cash para sa raffle at may mga nakita pa kaming appliances.

Nagtutulong sila ngayon ni Dingdong Dantes para pasiglahin ang Mowelfund.

Korean superstar, aapir sa Running Man PH

Sa May 11 na ang premiere ng Season 2 ng Running Man Philippines and upon checking sa calendar, Saturday ang premiere date ng RMP. Tama ba kami na ang Jose & Maria’s Bonggang Villa nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang papalitan nito?

Nabalita kasi na magkakaroon ng season break ang comedy show nina Marian at Dingdong after one season at dito papasok ang RMP. Tapos na ang taping sa South Korea ng RMP at nakabalik na ang mga runner.

Kasali na si Miguel Tanfelix sa mga runner, kapalit ni Ruru Madrid, napasabak siya sa matinding habulan ng orig runners. May sinabi sina Kokoy de Santos at Mikael Daez na may Korean superstar na nag-guest, nakitakbo sa kanila at abangan na lang daw kung sino ito.

Carla, tuloy ang pagbebenta ng mga kagamitan

Hindi nauubusan ng gamit si Carla Abellana na ibinebenta niya online at nangako ito na kahit may mga basher, hindi siya titigil sa pagbenta ng mga gamit niya na hindi niya pa nagamit.

Nakakatuwa nga dahil pati Condensing Dryer, Canon Printer at Dyson Limited Edition Supersonic Set, ibinebenta na rin ng aktres. Ang maganda pa sa kanya, binabaan niya ang presyo ng ibang items na for sale.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with