^

Pang Movies

Tape nasira ang diskarte!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maraming nakapansin na inalis na ang signage sa office ng TAPE Inc. sa kanilang opisina sa Xavierville Avenue Loyola Heights Quezon City na naging opisina nila at production office nang matagal ding panahon.

Maging iyong APT Studios na kanilang gina­gamit, nagmistula raw ghost town at wala nang tao sa loob maliban sa mga security guards.

Wala na rin daw doon ang maraming mga sasak­yan na karaniwan nang nakikita lalo na kung may mga shows.

Iisipin mo bang mangyayari ang lahat nang iyan ilang buwan lamang matapos na mag-take over ang mga Jalosjos sa kumpanyang itinatag ng tatay nila kasama si Tony Tuviera? 

Ang TAPE Inc. ay itinuturing na isa sa mga industry leaders, hindi lamang dahil sa Eat Bulaga kundi dahil sila rin ang nagsimula ng teleserye sa hapon. Napakarami nilang ginawang shows pinaka-sikat noon ay ang Valiente at Daisy Siete. Co-producer din sila ni Coney Reyes noon ng kanyang lingguhang drama anthology.

Nakikipag-co produce rin sila ng pelikula at may panahon pa ngang sila ang nag-finance ng maraming pelikulang indie na magaganda at kumita naman.

Kaya ang tanungan ngayon “anyare”?

Isinara na nila ang kanilang kahuli-hulihang show na Tahanang Pinakamasaya. Natalo sila sa copyrights claim ng TVJ (Tito, Vic and Joey) sa titulong Eat Bulaga.

Kasi naman napatunayan ni Joey de Leon na siya talaga ang nag-imbento ng title na Eat Bulaga habang nagka-kape sa kusina ng bahay ni Tito Sotto. At sinasabing iyon ay pinili lang ni Romy Jalosjos mula sa maraming titles.

Kaya nga inutos ng korte na kanselahin ang kanilang trade mark registration dahil ang rightful owner nga noon ay si Joey at wala namang dokumento na nagpapakitang ibinigay ni Joey ang kanyang karapatan sa TAPE.

Kung sana naangkin nila ang title maaaring mag-survive pa ang show nila dahil may mga advance contract sa advertising ang Eat Bulaga, at magagamit nila iyon. Pero nang mawala na sa kanila ang title may karapatan nang umayaw ang advertisers kaya ano pa ang aasahan nila?

 Ang mabigat ay ang sinasabing 800 million na utang nila sa GMA 7 dahil sa airtime. Imposible nang mabayaran iyon kaya nga wise decision na i-terminate na lang ang contract nila sa GMA tutal alam naman ng network na mahirap nang mabayaran iyon, at mag-declare na lang sila na bangkrupt sila para wala nang intindihin.

Iyan ang mga sayang na pagkakataon. Nasira lang dahil sa maling diskarte.

Ate Vi, nahihirapan mamili ng follow up sa Tokyo...

Natatagalan na naman si Ate Vi sa kanyang desisyon kung anong pelikula ang gagawing pagkatapos ng When I Met You in Tokyo.

Hindi sa wala siyang interest kundi dahil napakabigat nga ng sitwasyon dahil kailangang kumita ulit ‘yun tulad sa naging comeback niya.

Kaya ngayon ay nahihirapan si Ate Vi dahil dapat ganyan din ang maging resulta ng kasunod niyang pelikula, eh kaysaa nga naman sa gumawa siya nang hindi ganun ang resulta.

Hindi na kasi gumagawa ng pelikula si Ate Vi para kumita. Hindi rin naman siya naghahabol ng mga award.

Consistent siya sa pagsasabi na gagawa lang siya ng pelikula kung makakatulong na ibangon ang industriya, na napakahirap gawin ha.

Kris, mas kailangan ng dasal

Nakita namin ang isang post sa instagram na nakapikit na at mukhang tulog si Kris Aquino at nagising siya nang saksakan na naman siya ng iniksiyon sa  braso.

Ipinakita rin sa video ang tila mga namumula nang bahagi ng kanyang balat na kung dahil sa napakarami nang saksak ng iniksiyon o dahil sa allergy niya sa gamot.

Baka kailangan nga ni Kris ngayon ay ‘renewal.’

Wala nang magawa ang siyensiya, baka naman mas dapat na lumapit pa siya sa Diyos upang hindi siya mahirapan sa kanyang sakit.

Sa mahal na araw, ipagdarasal namin si Kris, na matamo niya kung ano ang makabubuti sa kanya.

Louise Abuel, napasabak sa kontrobersyal na sex video

Kawawa naman ang baguhang si Louise Abuel, bago pa lamang pumapasok sa showbiz naintriga na agad dahil sa kumalat na video sa isang platform, at ang masakit ginawa pa iyong negosyo ng iba.

Kumalat ang diumano’y sex video niya.

Napakalupit naman iyong nagsisimula pa lang ang isang baguhan ay sisiraan na nang ganyan. Kung panahon ito na nabubuhay pa si Kuya Germs (Moreno) magagalit din iyon sa mga gumagawa nang ganyan.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with