^

Pang Movies

Andi, ginawan ng tula ang pamamahinga ni Jaclyn

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andi, ginawan ng tula ang pamamahinga ni Jaclyn
Andi

Matapos maihatid sa huling hantungan ang namayapang inang si Jaclyn Jose last Sunday, kahapon ay nag-post si Andi Eigenmann ng kanyang huling pamamaalam para sa kanyang nanay.

“Higit pa sa sapat ang itinira mong pagmamahal para kami ay hindi mangulila. Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga ala-ala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay.

“Sa kahit saang parte ng aking buhay parati kitang madarama. Parati kitang makikita,” pahayag ni Andi.

Ini-repost din ng dating aktres ang ginawa niyang tula para sa ina matapos ang pagpanaw nito noong March 2.

“Ika’y nasa araw, sa ulan, at sa hanging aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag- asa at ligaya. Wala na ang sakit. Wala na ang takot.

“Matatanaw pa rin kita sa mga ulap, at maririnig ang mga bulong ng iyong pagmamahal. Magkikita din tayong muli.

“Sa ngayon diringgin ko muna ang iyong mga awit,” ang nakasaad sa tulang nilikha ni Andi.

“Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na,” ang huling mensahe ni Andi sa ina.

Piolo, pinagdarasal ang mga kaibigang naghihiwalay

Nagpahayag ng saloobin si Piolo Pascual sa mga hiwalayang nangyayari sa showbiz ngayon.

Sa panayam ni Papa P sa vlog ni Ogie Diaz ay natanong ang aktor tungkol sa showbiz couples na naghihiwalay.

Aniya ay ikinalulungkot din niya ito lalo pa nga’t mga kaibigan daw niya lahat ito tulad nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Sam Milby, Catriona Gray, Bea Alonzo and Dominic Roque.

“Hindi siya nakakatuwa. You feel bad for them. You feel bad for the situation. And you feel bad because ang toxic ng community. Ang toxic ng social media.”

Alam niyang hindi raw madali ang pinagdaraanan ng mga kaibigan niya and yet, naba-bash pa at iba’t iba ang opinyon ng mga tao.

“Minsan, umuuwi ako sa bahay, ‘anak, totoo ba ‘to?’ sabi ng mommy ko. Sabi ng kapatid ko, ‘PJ, ano nga?’ Parang ‘no, I don’t get into details.’ Hindi ko tinatanong ‘yung detalye para ikwento sa ibang tao. Ba’t mas interesado kayo?

“Du’n ako nalulungkot. Kasi nga, hindi nila alam na ‘yung pinagdadaanan nitong mga kaibigan ko, mahirap, you know. It’s easier said than done.

“Sana, maging easy ‘yung tao sa pamba-bash kasi ako pumapatol ako sa ganyan dati. Ngayon, umabot ako sa point na hindi na lang ako magbabasa talaga,” aniya.

Ito nga rin daw ang ipinayo niya kay Bea.

“That’s the first thing I told Bea. Sabi ko, ‘just don’t read. It’s not fair.’ So ganu’n na lang,” aniya.

Ang magagawa nga lang daw niya ay ipagdasal ang mga kaibigang ito at damayan kung kailangan ng kasama.

“You pray for them. And then, you spend time with them,” he said.

Asked kung pinayuhan din ba niya si Sam, ani Piolo ay hindi pa raw sila nagkikita ulit ng kaibigan matapos lumabas ang mga balitang hiwalay na ito kay Catriona.

“And I don’t wanna intrude. You know, if they ask for your advice, your prayers, you willingly give it to them. Pero hindi ako ‘yung tipo ng tao na mangingialam, you know. You’re there for them as a friend,” ani Papa P.

vuukle comment

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with