^

Pang Movies

Jennylyn, may pinaghahandaang pelikula

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jennylyn, may pinaghahandaang pelikula
Jennylyn

Full blast sa kanyang pagbalik sa trabaho si Jennylyn Mercado. Bukod kasi sa Kapuso teleserye na Love. Die. Repeat., naghahanda rin siya para sa kanyang bagong pelikula at album.

“Excited na excited ako kasi unang-una pa lang nilang binigay sa akin ‘yung script sabi ko, ‘Ay gusto ko talagang gawin ito. Gusto ko siyang gawin.’ Dito nakikita ko ‘yung sarili ko bilang asawa, bilang girlfriend noon,” sey ni Jen sa pelikulang isu-shoot niya.

Thankful naman siya sa mga magandang feedback ng viewers sa Love. Die. Repeat. nila ni Xian Lim. Mas dumami pa ang bashers ng co-star nilang si Valeen Montenegro na gumaganap bilang Chloe dahil sa kanilang mga eksena.

Wish din ng Kapuso Ultimate Star na muling makatrabaho ang mga ka-batch niya sa StarStruck na sina Yasmien Kurdi, Katrina Halili, at Nadine Samonte lalo pa’t aktibo pa rin silang lahat after 20 years.

Kuh, ‘di takot malaos

Apat na dekada na pala since naging singer si Kuh Ledesma. Nagsimula siya bilang miyembro ng Las­tiko band sa Bacolod habang isa siyang nursing student sa Colegio San Agustin-Bacolod.

Noong maging registered nurse siya, nabuo ang Music & Magic band sa Manila at dito nakilala si Kuh hanggang sa naging solo performer siya in 1980. Unang hit single niya ay Dito Ba? 

Sa rami raw ng mga baguhang singers na nadi-discover every year, never daw na-threaten si Kuh at hindi rin siya takot na malaos. “Walang malalaos na may Amang Diyos, na may maganda kang relasyon sa Kanya, sinusunod mo Siya.  Malalaos ka lang if you think malalaos ka. For as long as you have your heart in the right place, in whatever you do. At saka when you give, you will receive back,” sey ni Kuh na magkakaroon ng birthday concert titled 3:16 sa March 16 at the Music Museum.

Nathalie, sinekreto ang divorce sa asawa

After 11 years, sikretong nakipag-divorce si Natalie Portman sa mister na si Benjamin Millepied.

Hindi ginawang public ng Oscar winner ang pag-file niya ng divorce noong July 2023 sa France. Na-finalized ang divorce noong February ng taong ito.

Nakilala ni Portman si Millepied sa set ng pelikula niyang Black Swan noong 2012 kung saan choreographer ito ng mga ballet numbers sa movie. Meron silang dalawang anak: Aleph, 12, and daughter Amalia, 7.

May 2023 noong naghiwalay sila dahil nagkaroon ng affair si Benjamin. Naka-focus na sila ngayon on co-parenting their children.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with