^

Pang Movies

Megan, tinawag na malas ng mga kakampi ni Miss Botswana!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Megan, tinawag na malas ng mga kakampi ni Miss Botswana!
Megan at Lesego
STAR/File

Pinuri si Megan Young sa mahusay na pagho-host ng Miss World 2024, hindi nga lang siya nakaiwas sa pamba-bash ng fans ni Miss Botswana na si Lesego Chombo na tinalo ni Miss Czech Republic. Galit na galit ang supporters ni Miss Botswana kay Megan at may tumawag pa sa kanyang wicked at witchcraft ang ginawa niya.

Ang kasalanan ni Megan ay ina­yos ang buhok ni Miss Botswana sa Q&A portion, may superstitious belief pala ang mga taga-Botswana kapag hinawakan ang buhok lalo na sa mga ganitong beauty pageant.

Sabi ng supporter Miss Botswana, bakit daw inayos ni Megan ang buhok ni Miss Botswana? Parang ipinakita raw nito sa judges na hindi worth manalo si Miss Botswana dahil may flaw. Kahit sinagot ng Pinoy netizens na magulo ang buhok nito kaya inayos, ayaw pa ring tanggapin ng supporters ni Miss Botswana. Hindi naman daw siya hairdresser. LOL!

Sa sobrang galit ng isang taga-Botswana, sabi nito, sinabotahe niya ang chance nito na manalo sa Miss World 2024. Pinagbantaan pa siya ng “One day you shall pay for what you did to Lesego Chombo (Miss Botswana), the world saw you and we will never forget.”

Ang buwelta ng mga Pinoy sa pambaba-bash sa kanya, mga crybaby raw ang mga taga-Botswana. Tanggapin na lang daw nila na hindi time manalo ang candidate nila and Megan’s fixing their candidate has nothing to do with Miss Botswana wining the crown. ‘Kaloka lang ang ibang kababayan natin at personalan ang banat sa mga taga-Botswana.

Paulo, ginugulo kay Kylie!

Makakapareha ni Paulo Avelino si Kylie Verzosa sa Viva Films movie na Elevator at may ilang netizens na pinangungunahan na ang mangyayari. Sigurado silang magkakainlaban ang dalawa dahil si Kylie raw ang tipo ng babae na gusto nito. Binanggit pa ang last girlfriend niya na model at mala-Kylie raw ang dating.

Ang ibang netizens naman, gusto lang bulabugin ang fans nina Paulo at Kim Chiu, pinanenerbyos lang nila.

With Kylie as his next leading lady, makakalimutan daw ni Paulo si Kim. Kaya lang, may boyfriend na si Kylie, foreigner siya at hindi naman siguro basta iiwan na lang nito ang dyowa for Paulo.

Kahit sabihin pang malakas ang chemistry nina Paulo at Kylie, hindi naman siya liligawan ni Paulo dahil taken na nga siya. Tama ang KimPau fans, at least si Kim, single at ang lakas din ng chemistry nila sa Linlang at What’s Wrong with Secretary Kim? Huwag nang guluhin ang maayos na relasyon ng dalawa.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with