^

Pang Movies

Mutya, ayaw tularan si Xyriel

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mutya, ayaw tularan si Xyriel
Mutya Orquia.
STAR/ File

Thankful ang young actor na si Beaver Magtalas ‘pag sinasabing siya na ang bagong Rico Yan.

Dahil na rin sa physical similarities nila ng namayapang actor.

Pero paliwanag ni Beaver mas gusto niyang makilala bilang Beaver na marunong ding umarte at hindi young version ni Rico Yan.

Pinag-usapan ang tungkol dito sa ginanap na presscon ng launching movie niyang When Magic Hurts ng Rems Productions.

First major project niya ang pelikula na dinirek ni Gabby Ramos.

Excited na aniya siyang maipalabas ito this May.

Sa Atok, Benguet, kinunan ang kabuuan ng When Magic Hurts kaya ang ganda ng visual nito.

Parang ‘yung mga lugar na napapanood sa trailer ay hindi pa masyadong nasa social media, ‘yung hindi masyadong napupuntahan ng mga local tourist kaya parang gusto mong pasyalan.

Pero ayon kay Direk Gabby Ramos, binagyo sila habang nagso-shoot ng pelikula last September na full bloom ang mga bulaklak.

Kaya ang ganda nga naman. Very colorful.

Hindi mo na kailangang mag-travel abroad para mag-pictorial sa bulaklakan.

Very Korean ang vibe ng When Magic Hurts, glossy ang pagkagawa at since maganda ang Atok bongga ang cinematography nito.

“Medyo naging challenging lang ang shooting namin. Kaya may ilang eksena na sana outdoor pa naging indoor na lang dahil sa weather condition,” paliwanag ni Direk Gabby.

Ito raw ‘yung mga eksena sana ni Claudine Barretto.

Anyway, dalawa ang partner ni Beaver sa movie, sina Mutya Orquia and Maxine Trinidad.

At ito ang kauna-unahang movie ng dating child star (Mutya).

Kaya naman aniya ay super excited siya at kinakabahan kung paano sila tatanggapin ng fans.

“Yun ang pinaka-challenge sa akin, ano ang magiging review ng mga tao, magugustuhan ba nila ito, nagawa ko ba ‘yung role ko?

“Ako kasi, ‘pag sa acting ko, dyina-judge ko ‘yung acting ko.

“For this, ni-challenge ko talaga na kailangan kong ma-feel, gusto kong makita sa mga mata ko ‘yung emotions.

“Di ko pa napapanood yung buong film, but hopefully ma-satisfy naman ang mga manonood,” say pa ni Mutya sa mga interview after the presscon.

Pero wala raw silang kissing dito ni Beaver.

Nasa awkward stage si Mutya pero ngayon ay nakakaalis na siya sa impression na isa siyang child star.

Though ayaw naman daw niyang madaliin ang taon, she’s turning 18 this year.

Halos kasabayan niya si Xyriel Manabat. Pero nag-iba ng direction si Xyriel. Nagpa-sexy image siya na aminado si Mutya na hindi niya raw kayang gawin.

Mas gusto raw niyang mag-action.

Pero parang mas game si Maxine Trini­ndad na dating PBB housemate na tama ba, type ligawan ni Beaver?

Anyway, kasama rin sa pelikula sina Dennis Padilla, Angelica Jones, Claudine Barretto and many more.

vuukle comment

RICO YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with