^

Pang Movies

Donita, natupad ang dasal sa mister na virgin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Donita, natupad ang dasal sa mister na virgin
Donita Rose at Felson Palad

Nilantad ng actress-host na si Donita Rose sa programang Fast Talk with Boy Abunda na answered prayer niya ang mister na si Felson Palad.

Pinagdasal daw talaga niya ito sa Panginoon at meron pa siyang prayer list at specific daw talaga ang kanyang mga hiling gaya ng “parang puwedeng pastor, puwedeng worship leader, dapat Pinoy or at least half, dapat guwapo siyempre, dapat matangkad pa sa akin, dapat siya ‘yung magiging breadwinner kasi marami akong pinagdaanan din.”

Nakakatawa raw dahil parang nag-joke pa raw siya kay Lord na hindi niya aakalaing didinggin siya nito dahil hiniling niya na sana maging virgin ang asawa niya at nagulat naman siya dahil natupad daw.

Nang magsimula na raw silang mag-date ay umamin daw ito sa kanya na virgin pa siya na inakala pa raw nito na ikaka-turn off niya pero sinagot niya ito na hindi niya aakalaing ibibigay sa kanya ni Lord ang wish niya.

Kaya nga natawa na lang siya na kahit daw pala napakasimpleng detalye ay tutuparin ng Panginoon.

Bago sila magpakasal ni Felson, na isang professional singer and host, divorced si Donita sa kanyang unang mister na si Eric Villarama kung saan meron silang isang anak na si J.P.

vuukle comment

DONITA ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with