^

Pang Movies

Jaclyn namatay sa atake sa puso

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jaclyn namatay sa atake sa puso
Andi at Gabby Eigenmann

Nagluluksa ang buong showbiz industry ngayon dahil sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose noong Sabado, March 2, 2024. She was 60.

Ang malungkot na balita ay unang kinumpirma ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan, ang nagma-manage sa career ni Jaclyn noong gabi ng March 3.

 “It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck),” ang saad sa official statement ng PPL.

“More details will be shared as soon as they are available.

“The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times.”

Kahapon ay nagbigay na rin ng kanyang official statement ang panganay na anak ni Jacklyn na si Andi Eigenmann.

Sa video ay makikitang emosyonal na humarap si Andi kasama ang half-brother na si Gabby Eigenmann para ianunsyo ang pagpapanaw ng ina.

Ayon kay Andi, heart attack ang ikinamatay ng kanyang ina.

“It is with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jacklyn Jose, at the age of 60 on the morning of March 2nd, 2024 due to a myocardial infarction or heart attack,” ang umiiyak na pahayag ni Andi.

Kasunod nito ay nagpasalamat ang aktres sa lahat ng nakikiramay sa kanilang pamilya at umaasang matutuldukan na ang mga ispekulasyong naglalabasan.

“We’d like to thank everyone who has since extended their prayers and condolences to us. As our family is trying to come to terms with this unfortunate incident, please provide us the respect and privacy to grieve and we hope this would put all speculations to rest,” ani Andi.

“I’d just like to say that her undeniable legacy will definitely forever lives on through her work, her children, grandchildren and the many lives she’s touched. As she herself, her life itself was her greatest obra maestra. Thank you,” ang tumatangis na wika ni Andi.

Nagsimula ang makulay na showbiz career ni Jaclyn noong dekada 80 at hindi na mabilang ang kanyang mga nagawang proyekto sa telebisyon at pelikula. Umani rin ang aktres ng rekognisyon at acting awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies both locally and internationally.

She was the first ever Fililpino who won the Best Actress award at the Cannes Film Festival in 2016 para sa kanyang pagganap sa pelikulang Ma’ Rosa ni Brilliante Mendoza.

Huling proyekto ni Jaclyn ang FPJ’s Batang Quiapo at aktibo pa rin siyang cast member at the time of her death.

Naulila ni Jaclyn ang kanyang dalawang anak na sina Andi at Gwen Guck.

GABBY EIGENMANN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with