^

Pang Movies

Sherilyn reyes, namulubi sa swindler at interes sa loan!

Salve V. Asis - Pang-masa
Sherilyn reyes, namulubi sa swindler at interes sa loan!
Sherilyn

MANILA, Philippines — Halos limang taon na nung na-swindle si Sherilyn Reyes, pero hindi pa rin niya bayad sa mga investor and client niya.

Literal na namulubi sila ng mister na si Chris Tan nung na-scam / swindle sila.

Pero ang talagang nagpabaon sa kanya ay ang interest sa mga loan niya sa negosyo : “Kasi 2019 kami na-swindle, eh pandemic, tapos 2021 nagkaroon ako ng isang show, 2022 isang show, then 2023 isang show, so sa sobrang laki ng na-swindle sa akin, sa tingin mo kaya ko ‘yon sa tatlong show lang?” umpisa ni Sherilyn nang hingan namin ng update tungkol sa na-swindle / na scam sa kanyang P35 million.

Nagbebenta noon ang actress / TV host ng mga Hermes bag, mga hard to find na item.

Pero naloko siya ng doktora na naging regular client niya. Isinanla pala nito ang mga kinukuhang bag sa kanya sa isang kilalang pawnshop hanggang naremata ang mga ito kaya siya ang nagdusa sa pagbabayad ng mga nasabing mga bag na milyon ang halaga ng isa sa kanyang mga source.

Mga kelan matatapos ang pagbabayad mo?

“Hopefully, ini-aim naming mag-asawa talaga na this year matapos na. Hopefully after this year, zero na talaga lahat.”

Ten million na lang ang natitira sa P35 million.

So wala ka talagang ipon ngayon?

“Wala, kasi dinispose namin lahat. Isang kotse lang natira sa amin na luma, ‘yun lang. Si Ryle (Santiago), buong savings niya pinahiram sa amin. Tapos ‘yun nga, siya ‘yung huling mababayaran if ever. Syempre kailangang unahin ‘yung ibang tao kasi no matter what, eh. Ako at ako ang masisira. Ako ‘yung kausap,” katwiran pa ni Sherilyn na co-host ng newest public service program na Si Manoy ang Ninong Ko na magpi-premiere this Sunday (March 3) on GMA.

So hindi ka na nagbebenta ng bag ngayon?

“Hindi na katulad dati. Before, magta-travel kaming mag-asawa (Christ Tan), ‘pag tinawagan kami ng Hermes, ‘o may bag dito’ pupuntahan mo, bibilhin mo,’ngayon hindi na. Kung may maghanap, dun lang ako magso-source pero kung meron sa ibang bansa, hindi ko na liliparin ‘yon. Whatever is here, ‘yun na lang. ngayon, halimbawa sabihin gusto terms, ‘wag na lang.

“Ayoko na magpa-terms, cash lang or layaway. Minsan nga kahit layaway, problemado ka pa rin kasi halimbawa bumili ka sa akin layaway, hindi mo na mabayaran, nakatengga rin sa akin ‘yung bag, babayarin ko rin, example ‘yung financer na nagbayad ng cash dun sa ano... so mahirap pa rin. May problema pa rin so mas mabuti kung cash basis na lang lahat.”

 So ngayon wala ka nang mga bag na Hermes?

“Wala na.”

Nasan na ‘yung mga nag-swindle sa inyo?

“’Yung girl nasa States, ‘yung pinaka-pawnshop na involved, nandito lang. Malaking pawnshop siya actually. Hindi ko kasi alam, hindi namin alam mga reseller. We didn’t know na ang mother company pala nung isang kumpanya ay pawnshop. Pinapasok dun ‘yung bags hanggang sa parang inipit na nila ‘yung tao.”

Kumusta na ‘yung isinampa mong kaso?

“Nasa DOJ ‘yung kaso namin. Two years na, magti-three years na ngayong October. Pero parang malakas din kasi ‘yung... kumbaga... pwede kang maging hopeless but still you are hopeful na sana may mangyari sa kaso. Hindi biro kasi,” dagdag pa niya sa aming interview.

Anyway, with her as the newest faces of public service are Gelli de Belen and Patricia Tumulak. Joining them is Manoy himself, former businessman and now public servant, Agri Party-list Rep. Wilbert T. Lee.

Heart, mas palaban na sa Paris

On fire si Heart Evangelista sa Paris.

Iba rin ang misis ni Sen. Chiz Escudero.

Nag-upload siya ng photo na naka-one piece suit na super sexy.

Kasalukuyan pa rin siyang rumarampa sa Paris Fashion Week.

Level up ang pagrampa ni Heart sa Milan and Paris Fashion Week kung saan nakakasama niya ang mga Hollywood and Korean superstars.

At napagsama nga niya ang art and fashion sa mga reel niya sa Instagram lalo na sa kanyang Dior entry na sinulat at dinirek daw niya.

“A page from my diary

“With all my HEART this goes out to YOU.”

Alam actually, na may laman at hindi lang basta rampa.

In all fairness, malaki raw talaga ang talent fee ni Heart sa mga dinadaluhan niyang fashion week.

Jowa at Sarah, nakikipag-date na?!

Uy nakikipag-date na pala sa iba si Tom Rodriguez.

Ito ang inamin ng actor sa recent interview niya sa 24 Oras “seeing someone. It came at the right time. I thought it would never happen again.”

Pero wala siyang binigay na details ng nasabing someone.

Ito ay sa kabila na hindi pa rin niya inaamin ang dahilan at naghiwalay sila ng dating misis na si Carla Abellana.

Samantala, kinumpirma naman ni Sarah Lahbati na single na ulit sila ni Richard Gutierrez sa interview ng ABS-CBN.

Tho hindi na shocking dahil parang alam na naman ng lahat na hiwalay na nga sila ng mister.

Samantala, nag-post naman ang mommy ni Sarah na si Esther Lahbati ng photo sa DOJ kasama ang kanyang mister. Wala siyang sinabi kung anong ginawa nila sa DOJ.

SHERILYN REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with