Gigi De Lana, feeling superstar na agad
May bagong reklamo na naman kay Gigi de Lana and The Gigi Vibes.
At doon lang naniwala ang isa kong friend na bilis ngang nag-feeling superstar nito.
Ang latest kuwento, nag-perform sila sa isang katatapos na super special occasion. May nag-sponsor daw dahil favorite ito ng may occasion.
Hanggang natapos na raw ang isang set nito at kanyang banda.
Dahil special occasion at nag-e-enjoy ang mga andun, may mga nagmo-more.
Pero bumaba na raw stage si Gigi hanggang pinakikiusapan ng kapwa niya singer na mag-more or mag-duet sila (encore).
Tigas daw ng pandededma ni Gigi at nakatungo lang. Walang reaction.
Hanggang may nag-offer na sa kanya ng ‘name your price.’
Pero wala raw talagang epekto, nakatungo lang ito at parang walang naririnig habang napapaligiran ng mga kabanda niya.
Kaya sabi raw nung mga andun ay ‘wag nang pilitin kung ayaw talaga.
Hanggang umalis ang singer na nakatungo lang daw.
Hindi ito ang unang narinig kong reklamo kay Gigi de Lana.
Usap-usapan sa Ormoc nang pumunta kami last year ang naging attitude nito nang maging performer sa month-long celebration ng 75th anniversary ng nasabing lungsod.
Ang kuwento ng ibang nakausap namin doon, ayaw magpa-picture sa fans ni Gigi kahit pa raw sa mga mismong staff ng organizer ng event. Pinaligiran din daw ito ng kanyang mga kabanda.
At ang nakakaloka, nakatalukbong pa raw si Gigi.
Usap-usapan pa that time na‘di rin pala kagandahan talaga ang boses nito ‘pag live! Daming sablay.
Kaya super imbyerna raw ang mga taga-roon ayon sa isang source kaya’t malabo na raw itong makabalik sa Ormoc.
Sayang din siya. Siguro kung walang masyadong mga ganitong feedback sa kanya at mga kasama sa banda, baka mas sisikat pa si Gigi at kikita pa ng mas malaki.
Sa true lang, sabi nga, sa showbiz more than the more or talent fee, pakikisama ang mas importante.
Sen. Robin, mas priority si Mommy Eva
At the end of the day, nagamit ni Mariel Rodriguez ang pamba-bash sa kanyang negosyo. Imagine hindi siya naapektuhan at nung nag-trending siya, nagbenta pa siya sa TikTok.
Ito ay may konek nang gawin niyang ‘walking clinic’ ang senado, ang office ng mister niyang si Senator Robin Padilla.
Naging popular live pa siya sa TikTok.
See, ganun ang mga Pilipino. Hahaha.
Iilan lang kumbaga ang naapektuhan dahil ang bilis lang magbago ng isip ng karamihan.
Kung iba siguro si Mariel baka nahiya siyang magtinda dahil may nagawa siyang kumbaga ay hindi normal sa isang sangay ng gobyerno – upper House of Congress, sa opisina ng mga senador na pang-tatlo sa pinaka-mataas na posisyon sa ating bansa.
Lalo na’t sinasabi na ang drip or infusion ay nsafe pa diumano na siyang ginawa ni Mariel.
Matatandaan na una nang sinabi ng FDA (Food and Drug Administration) sa isang article na lumabas sa kanilang website na “Side effects on the use of injectable glutathione for skin lightening include toxic effects on the liver, kidneys, and nervous system,” ang nakasaad sa nasabing article ng nasabing ahensiya ng gobyerno.
Sa true lang ang lakas kasi ni Mariel sa social media kaya naman effective talaga siyang endorser.
At baka rin naman maganda ang epekto nito sa katawan ni Mariel kaya talagang kahit saan, kailangan niyang gawin.
At bago ang kontrobersyang ito ay napuna na rin ng ibang netizens ang bagong negosyo ng former TV host na Korean products. Bongga raw si Mariel mas piniling ibenta ang Korean products kesa local.
‘Yun nga lang hanggang ganun lang naman ang bashers ni Mariel. Ang ending siya ang kumikita.
Nauna nang nabanggit ng isang source na diumano ay kumikita ang bawat live selling ni Mariel ng tumataginting na P15 to P20 million.
Ganun diumano kalaki dahil ang mga tinda naman niya ay luxury items like Channel, Dior, Louis Vuitton among others na pawang pre-loved.
At may partner naman daw dito si Mariel hindi nito solo ang nasabing negosyo.
Saka ang advantage niya sa ibang online sellers, lahat ng items niya ay authentic. Walang imitation.
May mga nabibiktima ngayon ng online seller na fake items. Super class A raw ang binebenta na akala ng mga nabentahan ay authentic. Kaya’t ‘yun daw ang advantage ni Mariel kaya marami siyang mga suking mahilig sa pre-loved luxury items na ang iba ay mga kababayan pa natin sa abroad.
Kaya ang winner, ang wais na misis, si Mariel.
Anyway, nauna nang naglabas si Sen. ng statement at nag-apologize sa drip issue ng misis “It’s funny. It has become a political issue. My goodness. If they found anything wrong with the picture, I apologize.”
Kahapon nag-chat ako sa manager ng aktor-senador na si Ms. Betchay Vidanes kung ano pang reaction niya na ayaw tigilan si Mariel ng bashers.
Pero nag-aalaga raw ito sa inang si Mommy Eva Carino na kaka-celebrate ng 87th birthday.
Nakakatuwa na parang bata ang senador na nakayakap sa inang nasa higaan. “Baby boy ‘pag katabi niya si Mama Eva,” say ni Ms. Betchay.
- Latest