^

Pang Movies

‘Hindi ko po nakikita na kahit kaunti may mali dun sa ginawa ko’ – Mariel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
‘Hindi ko po nakikita na kahit kaunti may mali dun sa ginawa ko’ – Mariel
Mariel Rodriguez
STAR/ File

Nagpaliwanag at humingi ng sorry si Mariel Rodriguez hinggil sa controversial gluta-drip session post niya kamakailan.

Matatandaang umani ng katakut-takot na batikos ang post ni Mariel kung saan ikinuwento niya nagpa-gluta drip siya sa Senate office ng mister na si Robin Padilla.

Burado na ang naturang post sa Instagram page ni Mariel.

Sa latest live selling session ni Mariel last Friday night ay in-address niya ang isyung ito.

“Gusto ko munang magkuwento sa inyo what really happened,” simula niya.

“So, ako po, I don’t naman always go to the Senate, minsan lang po ako nagpupunta doon. It just so happened na I was there for the… I was there kasi I was supporting the Eddie Garcia Bill.

“So andu’n ako, two Mondays na akong nandun, nung second reading and third reading, for the Eddie Garcia Bill,” aniya.

Sa third and final reading ay super happy raw siya dahil unanimous ang desisyon ng mga Senador. “So, super happy because it was a unanimous decision sa mga senators at sabi ni Senator Imee (Marcos), matagal na raw na panahon na walang unanimous decision, na lahat sila nag-vote ng yes. So, it was such a win,” tsika niya.

“Ngayon, 8 o’clock, every week po talaga, I do my [IV drip service] vitamin drip,” aniya

“Bakit ko ‘yan ginagawa? It is for health reasons. Kailangan po naglalagay tayo ng bitamina sa ating katawan. At ‘yung bitamina na yan, I don’t get sick, alam mo ‘yun ang lakas-lakas ng resistensiya ko, ang galing-galing,” dagdag pa niya.

Nang gabing iyon ay may appointment daw siya sa gluta drip service ay hinihintay niya si Binoe sa office. Kaya nagsabi raw siya kay Binoe na papupuntahin na lang niya rito ang kausap niya at wala raw siyang makitang masama sa kanyang ginawa. “To tell you the truth, hindi ko po nakikita na kahit kaunti may mali dun sa ginawa ko, masama ‘yung ginawa ko.

“Dahil one, bitamina ‘yung nilalagay ko sa katawan ko, for health reasons ‘yun. Hindi naman po ako nagda-drugs, na naghi-heroin ako dun. Buti kung naghi-heroin ako dun, ‘di ba? Hindi naman po.

“Wala naman po akong ginawa dun sa Senate seal. Hindi ko naman flinash ‘yung bitamina dun sa Senate seal. Wala naman akong ginawang ganun.

“Umupo lang ako dun at saka nagpabitamina sa katawan. So, hindi ko maintindihan bakit parang may mga nag-react,” paliwanag ni Mariel.

“So dahil may mga nag-react, kaya ko po tinake down ‘yung post ko. In respect dun sa mga na-offend o kung anuman, tinanggal ko po. Kaya ko ‘yun tinanggal,” dagdag pa niya.

Depensa pa rin ng misis ni Binoe, wala raw siyang inabalang tao sa kanyang ginawa.

“Wala naman po akong inabala, ni hindi po kami nakisaksak o gumamit ng electricity ng Senado, o ginamit ‘yung alam mo ‘yun.”

Gayunpaman ay humingi ng paumanhin ang TV host kung may mga na-offend daw sa kanyang post.

“So, kung sa tingin ninyo mali, o masama, o na-offend kayo dun sa ginawa ko, sorry po. Pero ako, naglagay lang ako ng bitamina sa katawan. And it was 9 o’clock ng gabi, nung ginawa ko ‘yun, after office hours po,” pahayag ng TV host.

MARIEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with