^

Pang Movies

Elle, palaban!

Dianne Canlas - Pang-masa
Elle, palaban!

MANILA, Philippines — Kung nawindang ang Crazy 5 sa pagbabalik ni Amira (Elle Villanueva), the feeling is mutual para sa viewers dahil nabubulabog din sila sa surprising at gripping scenes sa revenge drama series ng GMA Public Affairs na Makiling.

Ika nga ng taumbayan, bumabaliktad na ang mundo dahil nag-uumpisa nang gumanti at maningil ang dating naaaping bida. Maraming viewers ang talaga namang tuwang-tuwa sa “cha­racter development” ni Amira at umaasang matututo na ng leksyon ang mga mapang-aping sina Seb (Kristoffer Martin), Portia (Myrtle Sarrosa), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro).

 Sey nga ng isang netizen, “‘Yan ang gusto ko sa’yo Amira, ‘yung palaban ka!”

 Komento naman ng isa, “Ito ‘yung klase ng palabas na magandang panoorin dahil hindi palaging naaapi ang bida.”

 Sorry now, ganti later! Matitikman na ang paghihiganti ni Amira sa pambansang revenge drama ng Pilipino, Makiling, weekdays tuwing 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime!

Cookies ni Dawn Chang, itatampok ni Migs Bustos

Ang Kapamilya artist na si Dawn Chang, kina-career ang pagnenegosyo ngayon!

Aalamin ni Migs Bustos kung paano sinimulan ni Dawn ang DC Delights, ang cookie business na sinimulan niya noong pandemya, sa My Puhunan ngayong Sabado (Pebrero 24).

Dahil hilig ni Dawn ang pagkain ng cookies noong nasa Australia pa siya, nag-aral siya ng baking at naisipan itong gawing negosyo.

Pinatikim niya noon ang kanyang cookies sa mga kapwa artista na sila mismong nag-udyok sa kanya na ibenta ang kanyang produkto. Ngayon, may sarili nang commissary, kiosk at stalls sa iba’t ibang business establishments ang DC Delights.

Samantala, kikilalanin naman ni Karen Davila si Archie King Macapagal, na isang pahinante ng bus noon na ngayon ay matagumpay na bilang hydroponics farmer.

Nang mawalan si Archie ng trabaho noong pandemya, nagdesisyon siyang pasukin ang hydroponic farming, sa payo na rin ng kanyang brother-in-law, na natutunan niya dahil sa panonood ng videos online. Sa halagang P500, napalago niya ang kanyang pagtatanim sa bahay at ngayon ay nag-aalok na rin siya ng farming supplies at trainings para sa mga gustong sumubok rin sa negosyong ito.

Abangan ang mga kuwento ng tagumpay sa My Puhunan: Kaya Mo! kasama sina Karen Davila at Migs Bustos tuwing Sabado ng 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.

Smillenial Charmer ng Baler, bibida sa Make It...

Siguradong kikiligin kayo sa pinaka-bagong interactive series na Make It With You ng Pinoy Interactive Entertainment (PIE). Bida rito sina Zach Guerrero at Seham Daglas, ang resident loveteam ng PIE na kilala bilang ZacHam, na dating Pinoy Big Brother (PBB) Season 10 housemates.

 Si Zach, na kilala bilang “Smillenial Charmer ng Baler,”  at si Seham na minahal bilang “Brightminded Darling ng Iloilo,” ay handang ipakita ang natatangi nilang charm at chemistry na siguradong pasasayahin ang KatroPIEs!

 Sa four-part series na ‘to, mapapanood niyo sila ZacHam i-test ang kanilang compatibility sa iba’t ibang challenges. Pero ito ang twist: KatroPIEs ang magiging Cupid! May say ka kung gaano kagaling ang ginawa ni ZacHam sa bawat episode. At hindi lang ‘yan, sa dulo ng bawat episode, tatlong masuwerteng KatroPIEs ang mananalo ng P500 each via raffle.

“Mukhang masusubukan ang aming love team sa Make It With You. Excited ako at medyo kinakabahan kung ano ang sasabihin ng aming mga KatroPIEs. Pero no matter what, sigurado akong magiging masaya ‘to!” sabi ni Zach Guerrero. “Sobrang excited ko maging parti ng Valentine’s series na ‘to. Hindi lang ‘to para sa amin, pero para mas gawing nakakakilig ang Valentine’s ng lahat,” dagdag pa ni Seham Daglas.

 

vuukle comment

DAWN CHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with