^

Pang Movies

Cristine, pang-virgin ang reaction sa bigay na bulaklak ni Marco

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang daming nega comments sa reels post ni Marco Gumabao. Umiyak kasi si Cristine Reyes nang iabot nito ang gift niya at lalo pang naiyak nang mabasa ang nakasulat sa card.

Comment ng isa, ang arte raw ni Cristine at parang hindi kinasal. May tumawag pa sa kanyang OA at sabi pa ng isa, parang 16 years old ang reaction ng aktres. Hirit pa ng isang netizen, ganu’n daw siguro kapag mas bata sa ‘yo ang boyfriend. May nagsabi pang ang pagpapabebe ay ibinabagay sa edad.

Tanong pa ng isa, first time raw ba makatanggap ng flowers ni Cristine kaya naiyak? May isa namang parang nanay na pinagsabihan siya na umayos at ayaw ng lalake ng masyadong pabebe.

May hindi nakapagpigil at sinagot ang bashers na tunay na emosyon lang ang inilabas nito at tears of joy ang kanyang iniyak. Hindi rin daw OA ang reaction niya, baka sobra lang itong natuwa dahil after a long time na single  siya, ngayon lang uli may nagbigay sa kanya ng flowers sa Valentine’s Day dahil may boyfriend na siya.

Kris nag-hire ng Hollywood fashion stylist, VG nagpasalamat

Pinasalamatan ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang Hollywood fashion stylist at creative director na si Oli Sara (Pinoy siya) na nag-ayos kay Kris Aquino sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda. Napanood naman nating lahat na ang ganda niya who was in pink long sleeve top.

Naalala namin ang sinabi niya during the interview na ni-remind siya ng isa niyang ate na mag-ayos bago humarap sa camera at sinunod naman nito. Si Oli Sara nga ang tumulong na ayusan siya at ang binanggit at pinasalamatan ni Mark na Hollywood make-up artist na si Kimura.

Sina Oli at Kimura at ang kanilang magic hands ang nag-ayos kay Kris na kahit tungkol sa kanyang mga sakit ang binanggit, maganda pa rin siyang tingnan. Saka, mahusay talaga itong magsalita, may humor kahit may mga sakit siya.

Binisita namin ang Instagram account ni Oli Sara at puro Hollywood stars, beauty queen ang nakakahalubilo. From Brad Pitt, Cate Blanchett, Paul Mescal, Pedro Pascal to Billie Elish, Kim Kardashian, Jennifer Lopez at iba pang celebrities.

Dominic, nakakangiti na!

Open ang comment box ng Instagram ni Dominic Roque sa kanyang latest post na binati ang followers niya ng magandang umaga. Nakangiti siya sa larawan niya.

Kaya lang, may mga mas apektado pa rin sa breakup nila ni Bea Alonzo dahil sa comment na mabuti na nakalabas siya sa isang toxic relationship na inalmahan ng BeaDom fans.

May mga umaasa pa ring magkakabalikan sila Bea at ang payo nila, kapag nagkabalikan sila, gawin nilang private ang kanilang relasyon para walang nakikialam na hindi naman dapat.

Maganda rin ang payo ng isang supporter ni Dom na balikan niya ang showbiz, magpaka-actor daw uli siya ngayong single na siya. Tumigil sa showbiz si Dominic dahil nabanggit ni Bea na ayaw na niya ng boyfriend na actor, kaya nag-concentrate na lang ito sa negosyo.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with