^

Pang Movies

Regine, nalito sa kina Enrique and Liza

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Regine, nalito sa kina Enrique and Liza
Regine

“Are you ready for love? Are we looking for love?”

Ito ang tanong ni Asia’s Songbird Regine Velasquez nang mag-guest si Enrique Gil sa Magandang Buhay last Monday.

Marahil, ang alam din ni Songbird ay break na si Quen at Liza Soberano kaya ganito ang kanyang tanong sa aktor.

Sinagot naman ito ni Quen ng “not really loo­king, but you know, yeah, I’m happy, I’m at peace.”

Pareho raw silang naka-focus ngayon ni Liza sa kani-kanilang mga sarili muna.

“Me, I’m focusing on this. Liza’s also focusing on her own production company, on her own projects. So, I’m just really happy that we’re both focused on ourselves first. Because we were so caught up on the two of us so much,” he said.

Ang bagay na ito ay napag-usapan naman daw nila ni Liza.

“So parang we talked lang na I think, you know, it’s really good for us to go on our own path in our career, just you know, to be able to grow. And yeah, it’s really exciting for me right now, what we’re going to be doing and giving to the industry,” pahayag ni Quen.

Bagama’t matagal nang napapabalitang break na talaga ang LizQuen, hanggang ngayon ay wala pang pag-amin or pagkumpirma ang dalawa tungkol dito at ang lagi ngang sinasabi ni Enrique ay “we’re good, we’re happy, we’re okay.”

Naka-2 sessions pa lang…Sharon, iika-ika pa rin!

Nagbigay ng update si Sharon Cuneta sa kanyang fans and Instagram followers hinggil sa kanyang health condition.

Sa kanyang bagong IG post, ikinuwento ni Megastar na nakaka-two sessions na raw siya ng therapy.

Matatandang sa isang post ni Shawie ay sinabi niyang may pinched nerve siya at hindi makalakad nang maayos kaya kailangan niya ng therapist.

“Just thought you might want me to update you. I’ve done two sessions with my Physical Therapist, plus Acupuncture & Cupping (Ventosa yata ang tawag doon?),” simula ni Mega.

Sey pa niya, “di nga ako nakapunta sa concert ni Pops when nandito na sa condo namin habang nagpi-PT ako si Peachy to do my make-up. Siya at grupo namin nakanood. Nagpakwento na lang ako sa kanila after at hinayang na hinayang ako.”

Paika-ika pa rin daw siya hanggang ngayon at in pain pa rin siya araw-araw.

“I still haven’t stopped limping. Ayoko naman po magpakita sa lahat ng umiika-ika pa rin, pwera nung nagbigay respeto po ako kay Deo Endrinal sa kanyang burol.

“The only time aside from that na umalis ako sa bahay ay nung Sunday when I was with my Sotto family from morning til way after dinner kasi sobra ko na sila namiss.

“But every single day for longer than a whole month now, I have been in pain,” kwento ni Sharon.

Pero in-assure naman niya ang kanyang fans na walang dapat ipag-alala ang mga ito sa kanya.

“Baka po mag-alala kayo, please don’t worry! Basta tuloy lang ang PT lilipas din ito. Chaka introvert ako kaya masaya na akong may love affair ako with a bed, hot water bags at laptop ko (di mabubuhay ng walang WI-FI! At kundi kailangan ayoko talaga sa phone ko!),” sey ni Shawie.

“Buti na rin nakakapagpahinga ulit. I hope you’re all okay and I miss you. It feels so good though to have a Social Media Detox. Am glad I grew up nung wala pang ganyan!” aniya.

Sa huli ay humihingi pa rin ng dasal si Megastar mula sa kanyang fans, followers and netizens.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with